Naglagay ng kani-kanilang ‘digital transformation programs sa tinatawag nilang ‘fast lane’ ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ngayong taon kahit na nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa.
Ito ay upang mapabuti pa ng husto ang tax administration ng gobyerno na magbibigay benepisyo sa mga taxpayers at makakalap ng koleksyon lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Sa magkahiwalay na ulat kay Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isinagawang executive committee (Execom) meeting ng Department of Finance (DOF) kasama ang BIR at BOC, ngayong taon ay inimplementa na nila ang ibat-ibang digital tools para mapadali ang kalakalan sa pagbabayad ng mga taxes and duties na magpapadali sa proseso para sa mga taxpayers bukod pa sa layuning mawala ang talamak na korapsyon sa mga nabanggit na ahensiya.
Katunayan ang BIR ay pinayagan nang magamit ang serbisyo ng PayMaya mobile application, bilang karagdagang electronic payment channel para sa tax payments. Sinundan naman ito ng BOC matapos na makipag-partner sa Bureau of the Treasury (BTr) at Development Bank of the Philippines (DBP) na payagan ang koleksyon ng customs duties and fees sa pamamagitan ng PayMaya digital channel.
Pinabuti rin ng BIR ang tax forms na ipinamamahagi sa kanilang e-BIR Form System para gumawa ng ‘filing of tax returns’ na mas madaling ma-access at magaan para sa mga taxpayers.
Ang preliminary number ng mga tax returns na nai-file electronically mula Enero hanggang Setyembre 2020 ay umabot sa 16.45 million. Mataas ito ng 94 porsyento ng kabuuang 17.42 million tax returns na nai-file noong nagdaang taon.
Kaugnay nito, mula Enero hanggang Setyembre 2020 ay naitala ang P1.241 trillion o 86 percent ng kabuuang BIR tax collections ay nakulekta sa pamamagitan ng electronic payment channels. Sa nasabing halaga, P3.3 billion ay nakulekta mula sa karagdagang electronic payment channels na isinama ng BIR sa ilalim ng Duterte administration.
Bukod sa PayMaya, ang iba pang e-payment tools ay kinabibilangan ng GCash, LandBank Linkbiz, DBP PayTax, Union Bank Online at PESONet.
Ang BIR ay sinimulan ang pilot implementation noong nakaraang Abril 21 sa pamamagitan ng kanilang web-based Internal Revenue Integrated System (IRIS) na naging central tool and repository sa ginagawang pagpoproseso ng taxpayers’ information.
Ayon pa sa BIR, ang IRIS ay planong gawin sa buong bansa sa katapusan ng taong 2021.
Ang Electronic Audited Financial System (eAFS) naman ay inilunsad noong nakaraang Hunyo na daan upang mapayagan ang business taxpayers na electronically submit na rin ang kanilang mga financial statements sa BIR.
Ang BIR ay naglunsad ng isang kumpetisyon na tinawag na ‘HACK-A-TAX Challenge,’ na nilahukan ng mga talentadong information technology (IT) professionals, start-ups at estudyante sa buong bansa para makapag-develop ng makabagong digital-based solutions para sa bureau.
Bukod dito, inilunsad din nila ang e-Appointment Facility na magagamit ng mga taxpayers sa pagkonsulta sa mga revenue officials para mapagaan ang kanilang mga problema sa ibat-ibang tax-related na alalahanin partikular na sa mobility restrictions bunsod na rin ng pandemya ng COVID-19.
Nitong Nobyembre, ang BIR ay naglunsad din ng kanilang web-based Procurement, Payment, Inventory and Monitoring System (PPIMS) at kanilang Online Application for Tax Clearance for Bidding Purposes (eTCBP).
Ang BIR ay umaasa rin na magiging matagumpay ang kanilang ‘in-house developed One-Time Transactions (ONETT) Tracking System at kanilang Taxpayer Identification Number (TIN) Verifier mobile application for taxpayers’.
Para naman sa BOC, patuloy nilang gagawing simple ang kanilang proseso sa pamamagitan ng paglulunsad ng kanilang Customer Care Portal System na kung saan ay magbibigay daan sa electronically lodge and track the status ng kanilang mga katanungan, kahilingan at alalahanin.
Noong nakaraang Pebrer, ang BOC ay binuo rin ang kanilang Customs Service Center, na ang pagpapagana nito ay sa pamamagitan ng centralized document-receiving and releasing area, information kiosk, and payment booth.
Ang layunin ay upang ma-estabilisa ang centers sa lahat ng BOC collection districts sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, ang Customs Service Centers ay nagawa na sa 13 mga pangunahing port. (Joel O. Amongo)
