Sa gitna ng pandemya BOC NAKALAGPAS SA 2B APRIL COLLECTION TARGET

Ni JOEL O. AMONGO

Bagama’t nakararanas ang bansa ng matinding epekto ng COVID-19 pande­mic at limitado ang galaw sa NCR Plus Bubble, sa pangkalahatang kalakalan, ang Bureau of Customs (BOC) ay nakakuha ng 51.277 bil­yong pisong koleksyon kumpara sa 49.2 bilyong piso na kanilang target para sa nagdaang buwan ng Abril.

Ito ay nagresulta ng lagpas na 2.077 bilyong pisong koleksyon na katumbas ng positibong 4.2 porsyentong pagtaas ng kita ng BOC sa nakaraang buwan.

Kasama dito, ang karag­dagang kita mula sa Tax Expenditure Fund (TEF) na nakakolekta ng 121 milyong piso mula sa Post Clearance Audit Group (PCAG) collection na P13.65 million para sa Abril 2021.

Base sa preliminary report mula sa BOC-Financial Service, labing isa (11) mula sa labing pitong (17) collection districts ang nakalagpas ng kanilang April 2021 collection target.

Ito ay kinabibilangan ng Port of San Fernando, Port of Manila, Manila International Container Port, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Zamboanga, Port of Davao, Port of Subic, Port of Aparri, at Port of Limay.

Simula Enero 2021, ang bureau ay nakalagpas sa kanilang monthly revenue collection target.

Sa April preliminary collection report, ang bureau ay nakapag-kolekta ng P200.459 billion kumpara sa January hanggang April 2021 collection target ng P183.174 billion, nakapag-post ng running surplus na P17.285 billion o katumbas ng +9.4%.

Ang nasabing collection ay kasama ang karagdagang kita mula sa Tax Expenditure Fund (TEF) collection ng P219.34 million at Post Clearance Audit Group (PCAG) na may collection na P300.59 million mula Enero hanggang Abril 2021.

Kapansin-pansin, ang taong kasalukuyan quadrimester collection ay mas mataas ng P20.720 billion o +11.5% kumpara sa 2020.

Kaugnay nito, ang bureau ay patuloy pa rin sa kanilang pinahusay na collection performance sa pamamagitan ng pagpapabuti ng bilang ng mga importasyon, habang pinamamalagi ang border security at mapahusay ang kalakalan.

Pinuri naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagsisikap ng mga kalalakihan at kababa­ihan ng Bureau of Customs, sa kabila ng panganib ng kanilang health and safety, ay ipinakikita pa rin nila ang hindi matinag na pangako at dedikasyon sa serbisyo sa isang executive committee meeting kamakailan.

103

Related posts

Leave a Comment