Sa ilalim ng Marcos admin P56-B ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA NG PDEA

UMABOT sa P56.37 bilyong halaga ng iba’t ibang ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa datos ng PDEA, ang bulto ng nakumpiskang illegal drugs ay resulta ng mahigit 97,000 anti-drug operations.

Ito ay mula Hulyo 1, 2022 hanggang katapusan ng buwan ng Enero ngayong taon.

Pinakamarami rito ang nakumpiskang shabu na umabot sa mahigit 7,000 kilograms.

Sinundan ito ng cocaine, 89.19 kgs, ecstasy na 121,022 piraso, at marijuana na pumalo sa 6,247 kgs.

Umakyat naman sa mahigit 131,000 indibidwal ang naaresto ng PDEA habang 8,404 dito ay pawang high value targets.

Kaugnay nito, sumampa na sa mahigit 29,390 ang mga barangay sa buong bansa na idineklarang drug free. (JESSE KABEL RUIZ)

11

Related posts

Leave a Comment