WINELCOME ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng direct flights sa pagitan ng Fujian, China at Cebu.
Sa paglulunsad ng Chinatown Revitalization Phase II sa Maynila, pinasalamatan ng Pangulo si Jing Quan sa pag-anunsyo ng bagong ruta.
“I thank you very much for the good news that you have brought about the flights going to Cebu,” ayon sa Pangulo.
“And I hope that it will be the beginning of more interactions and people-to-people exchange between China and the Philippines,” aniya pa rin.
Inaprubahan ng China ang direct flights mula Fujian patungong Cebu, na nakatakdang magsimula sa Marso 29, na may dalawang biyahe kada linggo.
Ayon kay Ambassador Jing, 90 porsyento ng Filipino-Chinese ay may pinagmulan sa Fujian, at makatutulong ang ruta sa pagpapalakas ng tourism at people-to-people exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang development na ito ay sa gitna ng patuloy na iringan ng Pilipinas at China kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea na bahagi ng mas malawak na South China Sea.
Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration na walang legal na basehan ang “nine-dash line” claim ng China sa South China Sea, at pinaboran ang Pilipinas.
(CHRISTIAN DALE)
8
