PINUNA ni Senador Imee Marcos ang kabiguan ng mga awtoridad na mapanagot ang mga sangkot sa large-scale smuggling ng agriculture products.
Iginiit ni Marcos na matagal nang problema ng bansa ang large scale smuggling subalit hanggang ngayon ay wala pa ring nako-convict sa economic sabotage.
Sinabi ng senador na nakalulungkot na sa kabila ng patuloy na pagsisikap ng Senate Committee on Agriculture na imbestigahan ang agricultural smuggling, wala pa ring kasong naisusulong laban sa mga sangkot dito.
Ipinaalala ng senador na malaking banta ang smuggling sa vegetable farmers, kabilang na ang rice at hog raisers, livestock at fisheries.
Nagbabala naman si Senador Kiko Pangilinan na dahil sa problema sa agricultural smuggling apektado ang food self-sufficiency ng bansa.
Dahil dito, suportado ng mga senador ang pagsusulong ni Senate President Vicente Sotto III ng imbestigasyon sa lumalalang agricultural smuggling. (DANG SAMSON-GARCIA)
