DUMULOG sa Korte Suprema kahapon ang ilang personalidad para ireklamo ang isang propesor at isang mambabatas na tumuligsa sa desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng impeachment kay VP Sara Duterte.
Una nang isinampa nina Atty Rolex Suplico at Atty Mark Kristopher Tolentino ang reklamong indirect contempt laban kina Professor Richard Heydarian at Akbayan Partylist Rep Percy Cendaña.
Kasunod ito ng kanilang mga paratang at paggamit ng mga hindi angkop na salita laban sa mga mahistrado matapos katigan ng SC sa pamamagitan ng unanimous decision ang petisyon na nagbasura sa articles of impeachment laban kay VP Sara.
Nauna rito, giit ng SC nalabag ang one year bar rule at walang due process sa paghahain ng impeachment.
Samantala, sinampahan din ng parehong reklamo si disbarred lawyer Larry Gadon dahil sa kanyang “tuta” remarks laban sa Korte Suprema.
Isinampa sa pamamagitan ng e-filing ni Atty. Ferdinand Topacio laban kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon.
Dumating din ang grupong Duterte Youth para maghain ng reklamo laban kay Atty. Renee Co ng Kabataan Party-list na kasamang bumanat sa naging desisyon ng Korte Suprema.
Giit ni Ronald Cardema, bilang abogado, dapat alam nila na maging maingat sa pagbibitiw ng pahayag laban sa Supreme Court lalo na sa mga desisyon nito.
Pagpapatahimik sa Kritiko
Itinuturing naman ng isang mambabatas na pagpapatahimik sa mga kritiko ng pamilya Duterte ang inihaing indirect contempt.
Imbes na mabahala, mistulang ikinatuwa ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendana ang indirect contempt na isinampa laban sa kanya dahil sa pagtawag niyang “Supreme Codler” ni Sara ang Korte Suprema.
“In the wise words of our Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach, “it is both an honor and a responsibility,” ani Rep. Perci Cendaña matapos matapos maghain ng indirect contempt si Atty. Mark Kristopher Tolentino laban sa kanya sa Korte Suprema.
Nag-ugat ang petisyon sa statement ni Cendeña na nagsasabing “The Supreme Court has reduced itself to being the Supreme Coddler of Vice President Sara Duterte,” nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment noong nakaraang linggo sa botong 13-0.
Ayon sa mambabatas, isang napakalaking karangalan umano sa kanya na maihanay kina Senator Risa Hontiveros at Cong. Leila de Lima na tinarget at hinarass umano ng mga Quiboloy at Duterte followers.
“If I am the target of harassment by the supporters of an alleged pedophile and a mass murderer, then I am at peace — knowing that I am doing the right thing.Obvious na modus ito ng mga Duterte sa kanilang kritiko — either ito-troll ka o bibiktimahin ka ng legal harassment. Lumang kwento na ‘yan. Wala ba silang bagong strategy,”ayon pa sa mambabatas.
(JULIET PACOT/BERNARD TAGUINOD)
208 