ASAHAN na ng publiko lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na kaso ng COVID-19 ang maraming bilang ng kapulisan.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang direktiba ay ipinalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kailangang ipatupad ng Philippine National Police (PNP).
“It is a national policy now,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, sa ilalim ng direktiba ng DILG ay ipinag-utos nito ang pagdaragdag ng bilang ng kapulisan at maging ng mga sundalo sa lansangan at key areas kung saan may matataas na kaso ng COVID-19.
Tugon ito sa pagtatala ng bansa ng mataas na kaso ng coronavirus disease sa magkakasunod na araw.
“In areas of concern, police presence has been increased, especially in light of the surge in Metro Manila. And this is true to all other LGUs,” ayon kay DILG Region 1 Director James Fadrilan.
“And it is also being augmented, by the barangay tanods. They are on lookout for mass gatherings and reminding the public of proper social distancing as well as wearing masks and face shields properly,” dagdag na pahayag ni Fadrilan. (CHRISTIAN DALE)
