Sa pagpaparami ng mga turista sa Pilipinas DOT, TOURISM CONGRESS INC. MAGKATUWANG

NAGSAGAWA ng Luzon Regional Consultative Meeting ang Tourism Congress Incorporated na may temang “Tourism Reimagined: Advancing Luzon’s Tourism Through Innovation. Creativity. and Collaboration” na ginanap sa Function Room 3, Level 3, SMX Clark Convention Center, Mabalacat City, Pampanga noong Agusto 28, 2025.

Ang okasyon ay dinaluhan ng mahigit kumulat sa 300 participants mula sa mga pribadong sektor ng mga negosyante at mga opisyal ng Department of Tourism (DOT) at iba pang stakeholders.

Sa panayam ng SAKSINGAYON kay Ginoong Mario Mamon, Presidente ng Enchanted Kingdom Incorporated, sinabi niyang malaking papel ang ginagampanan ng pribadong organisasyon na tulad ng Tourism Congressn Inc., para mahikayat ng mga turista at kung paano mapapangalagaan ang mga turista sa Pilipinas, local, domestic man siya o dayuhan.

Ayon pa sa kanya, ang pribadong sektor na katulad nila na bumubuo ng Tourism Congress Incorporated ay nakatutulong sa Department of Tourism (DOT) para sa mga pangangailangan ng turismo sa bansa.

Anya, may limang (5) industries sectors sa bansa na tumutulong sa turismo, ang mga ito ay ang accomodation, airlines, destinations, Enchanted Kingdom (EK) at iba pa.

Sinabi pa niya na ang Tourism Congress Inc. ay malaki ang naitutulong nito sa DOT para mabigyan ng halaga kung ano ang pangangailangan sa ikalalaganap ng turismo sa bansa.

Binanggit din niya, na siya ay ang kauna-unahang miyembro ng Tourism Congress, Inc. matapos na maisabatas ang Republic Act No, 9593 o kilala ring Tourism Act of 2009 noong Mayo 12, 2009 sa pamamagitan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang komprehensibong batas na ito ay naglalayong itatag ang turismo bilang prayoridad na industriya na mahalaga para sa paglikha ng trabaho, foreign exchange, at pambansang pag-unlad.

Pinalalakas nito ang Deparment of Tourism (DOT) at ang mga kalakip na ahensiya nito, kabilang ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone (TIEZA) at Tourism Promotions Board (TPB), upang epektibong ipatupad ang mga patakaran at isulong ang sustainable, social economic tourism initiatives.

 

Ayon sa interview naman kay Tourism Congress Incoporated President James Montenegro, sinabi niyang natutuwa siya sa mainit na pagtanggap mula sa mga pribadong sektor at mga opisyal ng gobyerno sa aktibidad na nakapagtala ng mahigit sa tatlong daan (300) ang nakiisa.

Anya, bagamat hindi masyadong tumaas ang turista ngayon sa bansa, ay umaasa pa rin siya sa natitirang pang mga buwan ng kasalukuyang taon ay dadami pa ito maging lokal man ito o dayuhan.

Natutuwa din siya na dumarami ang mga dayuhang vloogers na dumarating sa bansa dahil malaking tulong ito sa publisidad sa kagandahan ng Pilipinas.

Ayon pa sa kanya, marahil ang nagustuhan ng foreign vloggers sa bansa ay ang naggagandahang mga bundok, beaches, at tourist destinations ng Pilipinas.

Ang isa pang nagugustuhan ng mga dayuhan sa Pilipinas ay ang pagiging mabuti ng pakikitungo (hospitality) ng mga Pilipino sa kanilang mga bisita at pagiging mahilig nito sa social media.

Sa nasabing okasyon na ginawa sa SMX Clark Convention Center, Mabalacat City, Pampanga noong Agusto 28, 2025 na dinaluhan ng mga opisyal ng DOT at stakeholders ay tinalakay kung paano magkakatulungan ang gobyerno at nang pribadong sektor na tulad ng Tourism Congress Inc.

Ang Tourism Congress Incorporated Luzon Regional Consultative Meeting “Tourism Reimagined: Advancing Luzon’s Tourism Through Innovation, Creativity, and Collaboration” ay nagsimula dakong ala-1 hanggang alas-5 ng hapon noong Agusto 28, 2025.

Kabilang sa mga nakiisa sa okasyon ay sina Jackie Lou Relleve, Asst. Secretary, Tourism Congress Inc.; James Montenegro, President Tourism Congress, Inc.; Richard Daenos, Director, DOT Regional Office III; Shahlimar Tamano, Undersecretary, DOT; Mark Lapid, Chief Operarting Officer, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA); Alma Jimenez, MD Co-Chairperson, Trade Industry & Tourism Management Association of the Philippines; Bernard Quek, Founder & CEO Global Hospitality Solutions; Mohamed Thameem, Managing Director, Sparkslab Technology; Lalaine Madrano, Branch Manager, Philippine Airlines-Pampanga; Ian Paulo Mejia, Tourism Officer III, Tourism Promotions Division, CDC; Eduardo Miguel Morato, Cluster Senior Branch Manager, SMX Clark; Lorenzo Tang, General Manager, Park Inn by Radisson Clark; Alvin Miranda, Philippine Airlines; Mike Dimagiba, Founder, Inner Wisdom Technology; Ed Sunico, Co-Founder, Inner Wisdom Technology at Michael Albana, Vice President, Luzon Tourism Congress Incoporated. (Joel O. Amongo)

 

68

Related posts

Leave a Comment