Sa PH maritime law enforcement agencies P430-M FUNDING PANGAKO NG US

(CHRISTIAN DALE)

INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million o mahigit ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong.

Inihayag ito ng White House sa pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan na malapit sa “hotly contested Spratly Islands.”

“The funding will strengthen the agencies’ capabilities to counter illegal fishing, improve maritime domain awareness, and provide search and rescue support, including in the disputed South China Sea,” ayon sa Estados Unidos.

Sinabi pa ng Estados Unidos na ang kanilang Trade and Development Agency, “pending Congressional notification,” ay makatutulong sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-upgrade at pagpapalawig ng vessel traffic management system nito para sa pinahusay na maritime safety at environmental monitoring.

Tinawag naman ng White House ang pagbisita ni Harris sa Palawan na “historic.” Si Harris ang pinakamataas na ranking US official na bumisita sa lalawigan, kilala bilang “last ecological frontier” ng Pilipinas.

Tatalakayin nito sa mga miyembro ng PCG ang umiiral at future partnerships na may kinalaman sa ahensya.

Samantala, sinabi ng Washington na maglulunsad ang United States Agency for International Development ng bagong inisyatiba kabilang na ang “grant to a local organization” para suportahan ang traditional livelihoods at mapanatili ang fishing practices sa bansa.

Layon din nito na palakasin ang food security at isulong ang pangangalaga sa marine ecosystems sa South China Sea na sinasabing vulnerable sa ‘development at climate change.’

181

Related posts

Leave a Comment