Sa selebrasyon ng 30th Panagbenga Festival 2026 BINGOPLUS NAGBIGAY SAYA

NAKIISA ang BingoPlus, ang number 1 digital entertainment platform sa bansa sa selebrasyon ng 30th Panagbenga Festival 2026 sa Baguio City na nagsimula noong Pebrero 28 at matatapos hanggang sa Huwebes Marso 8, 2026.

Nagbigay ng kasiyahan sa mga manonood man o magulang, turista man o lokal ang iba’t ibang aktibidad na inilatag ng BingoPlus sa City of Pines.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang BingoPlus Panagbenga Bloom Ti Saya – Music Festival na masayang dinaluhan ng Sexbomb, The Bloomfields, 1621, JKris Dantes, Patrick Quiroz at Chloe Redondo na nagpakilig at nagpaindak sa maraming taong sumaksi at pumunta sa Melvin Jones Grandstand. Maraming manood ang nakikanta at nakisayaw kasabay ng mga bawat performer.

Hindi matatawaran ang galing ng mga taga Baguio sa pakikilahok.

Bago ang Music Festival ay maraming tao ang nag-enjoyed sa BingoPlus Booth na may ibat ibang mga palaro katulad ng promotion ng JAGAT Coin Hunt, Enchanted Rush, Treasure Match, Blind Splash Match, Wheel of Blooms na kung saan mananalo sila ng mga Bingoplus Merchadise kabilng ang BP hat, BP loot bag, BP Speaker, BP tumbler at umbrella.

Nagkaroon din ang BingoPlus Foundation Segment kung saan nag donate sila ng P2,000,000.00 para sa mga piling benepisyaryo ng Baguio City na ilalaan para sa edukasyon, kultura at kalusugan.

Inabangan din ng mga manonood ang BingoPlus Raffle na may temang Ragsakang Panalo na namigay ng Blender, Microwave oven, Stand Fan, 3 50 imch TV, at ang grand prize na 1 Motorcyle.

Makukulay na bulaklak ang makikita sa Panagbenga Grand Float Parade na kung saan ibat ibang klase ng bulaklak ang inilagay sa float ng BingoPlus. Nagbigay atraksyon din sa float sina Lance Carr at ang Beauty Queen na si Yllana Aduana.

Ang huling pasabog ng BingoPlus ay ang Panagbenga Mall Show na nagsimula kahapon March 3 hanggang March 5 sa SM City Baguio. Maraming malalaking artista at performer ang magbibigay ng kasiyahan at katuwaan sa mga manonood. Kaya makiisa na kayo sa BingoPlus Mall Show na tiyak kayo ay mag eenjoy.

Taon taon dinadaluhan ang nasabing okasyon ng maraming bakasyunista mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, dayuhan, propesyunal, mga estudayante at mga empleyado ng mga pribado at pampublikong opisina sa City of Pines Baguio City.

(Joel O. Amongo)

2

Related posts

Leave a Comment