Sa umiikot na ‘unscrupulous individuals’ PUBLIKO BINALAAN NG BOC

BOC-12

Ni JOEL O. AMONGO

Nagpalabas ng babala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko kaugnay ng mga ulat na may ‘unsc­ru­pulous individuals’ na umiikot at nagsasabing sila ay Customs personnel at nagpapakita ng mga palsipikadong BOC documents.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng BOC ang publiko na ang mga Mission Orders na kanilang iniisyu ay may nakalagay na sumusunod:

1. Mission Orders indica­ting specific dates as to the validity of the Mission Order, 2. Mission Orders duly signed by Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo B Guerrero, 3. Names of the ope­ratives duly indicated in the Mission Order, 4. Mission Orders with a scan capable QR Code Hologram, Fuel Marking Logo and the contact number of BOC-CARES located at the lower left part of the Mission Order, at 5. All operatives shall be in prescribed BOC uniform and shall wear proper identification.

Hinikayat din ng BOC na i-report ang anumang insidente sa Bureau of Customs sa pamamagitan ng BOC-CARES hotline number 632-8705-6000 at BOC’s Anti Corruption Hotline 8484.

Nauna rito, maraming beses nang may nahuhuli ang mga awtoridad na mga nagpapanggap at nagpapakilalang konektado sa Bureau of Customs (BOC) at nanghihingi ng pera kapalit ng kanilang serbisyo na ibibigay naman ng kanilang mga biktima.

Maraming beses na rin nagbabala si Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga tao na nagpapakilalang empleyado ng Bureau at ginagamit nila ang tanggapan para makapanloko.

May mga ulat din ang BOC na may mga nabibiktima ng mga tiwaling tao sa pamamagitan ng tinatawag na ‘love scam’.

Ang modus operandi ng grupo ay sasabihin sa kanilang biktima na may padala silang nakabinbin sa BOC na kailangan nilang bayaran ang tax and duties nito para makuha ang nasabing bagahe.

Kapag nakuha na umano ng sindikato ang perang sinasabing pambayad ng tax and duties sa biktima ay hindi na ito magpaparamdam sa kanilang biktima na nakuhanan ng pera.

Kung kayat nananawagan ang BOC na ang lahat na may transaksyon sa BOC ay makipag-ugnayan lamang sa awtorisadong empleyado ng ahensiya upang hindi sila mabiktima ng mapagsamantalang tao.

310

Related posts

Leave a Comment