SABONG PARTE NA NG BUHAY NG MARAMING PINOY

NOONG mga nagdaang taon, may may nagsusulong sa ibang bansa na ipagbawal ang sabong.

Sa bansang Amerika, Europa at Gitnang Silangan o Middle East ay tunay na mahigpit itong ipinagbabawal.

Oo, totoong ang pagkahumaling o interes sa manok ay waring hindi na matanggal sa puso ng mga Pinoy.

Kahit nga ang mga dayuhan ay gusto rin ito.

Sa ilang US territories, ginagawa ring libangan ang sabong.

Para rin silang mga Pilipino.

Sa ating bansa, may ilang tumututol naman sa sabong.

Masyadong marahas daw.

Nang pumasok ang pandemya, nawala ang mga panukalang ito.

Nauuso naman ngayon ang tinatawag na e-sabong o online sabong kung saan tumataya o tumatalpak din ang mga aficionados online.

Kabilang naman si ­dating Speaker at incumbent ­Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa mga lantarang tumututol sa sabong online.

Nagpahayag pa nga siya minsan bago ang ­paghahain ng kandidatura ng mga kandidato, na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 elections para tutulan ang e-sabong at iba pang hakbang na banta raw sa Filipino ­values.

Nababahala raw siya sa paglakas ng online gambling at iba pang aniya’y imoral na gawain sa bansa.

Hindi naman naghain ng kandidatura si Cayetano.

At parang hindi na rin naman siya tatakbo dahil malapit na ang deadline ng substitution.

Sa palagay ko, mali si Cayetano sa kanyang palagay ukol sa sabong.

Matagal na ito sa ating bansa at kahit ang kanyang amang si dating Sen. Rene Cayetano na matagal nang yumao ay wala naman akong maalalang pahayag laban sa sabong noong nabubuhay pa ito.

Kapag natuloy ang panukala ni Cayetano na alisin sa bansa ang e-sabong ay para mo na ring inagawan ng karapatang mabuhay nang masaya at maging malaya sa kanilang hilig o kultura ang mga Pinoy.

Sa mga susunod pang labas ay aking ilalahad ang iba ko pang mga pananaw hinggil sa e-sabong.

536

Related posts

Leave a Comment