SAFE ZONE SA MAKATI ISINULONG NG PNP AT JAPANESE BIZ LEADERS

NAKIPAGPULONG ang National Police Commission (NAPOLCOM) at ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga miyembro ng Japanese business community sa Isla Group headquarters sa Makati para talakayin ang mga isyu ng kaligtasan at seguridad.

“Peace of mind isn’t just about knowing your LPG tank is safe—it’s about feeling secure in your surroundings,” pahayag ni Banjo Castillo, Chief Operating Officer ng Isla Group. “Sa tulong ng NAPOLCOM, mas mapapalakas natin ang tiwala at kapanatagan ng aming mga customer, empleyado, at komunidad.”

Pinangunahan ni Tomoaki Asai, CEO ng Isla Group, ang diyalogo kasama ang mga Japanese executives mula sa iba’t ibang kumpanya at industriya. Binigyang-diin niya na nakaugat sa kanilang corporate philosophy ang pagpapahalaga sa kaligtasan.

Tinalakay sa dayalogo ang mga posibleng kooperasyon tulad ng:

Joint safety awareness campaign – para sa LPG safety at community security.

Coordinated emergency response protocols – sa pagitan ng Isla LPG at lokal na pulisya.

Educational materials at barangay security briefings – katuwang ang PNP para sa mga lugar na may maraming LPG consumers.

Giit ng Isla Group, hindi lamang ito one-time initiative kundi bahagi ng pangmatagalang plano para makabuo ng “ligtas na sona” sa Makati at iba pang lugar—sa tulong ng kooperasyon ng pribadong sektor at awtoridad.

77

Related posts

Leave a Comment