SALON NILIMAS NG VAULT CUTTER GANG

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P15,000 cash ang tinangay ng hinihinalang isang miyembro ng vault cutter gang, sa pamamagitan ng pagsira sa bubong ng isang salon noong Linggo ng madaling araw.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Rosario Municipal Police Station (MPS) ang biktimang si “Evelyn” ng Beauty Lavish Salon Corp., na matatagpuan sa Court Plaza, Brgy. Tejeros, Rosario, Cavite.

Inilarawan ng biktima ang suspek na isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, naka-facemask, puting sapatos at tinatayang 5’7″ ang taas.

Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa nasabing salon bandang alas-2:35 ng madaling araw nitong Linggo, sa pamamagitan ng pagsira sa bubong nito at nang nakapasok ay puwersahang sinira ang vault gamit ang martilyo, screwdriver at tin snip cutter at tinangay ang P15,313 halaga ng cash.

Matapos makuha ang pakay ay mabilis na tumakas ang suspek. Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

30

Related posts

Leave a Comment