SALVAGE VICTIM SA CALOOCAN

PINOSASAN SAKA PINATAY

NAKAPOSAS at may tama ng bala sa ulo ang isang lalaki nang matagpuan ang bangkay nito sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakasuot ng t-shirt at asul na short pants ang biktima at nadiskubre ng mga motorista  sa madilim na bahagi ng Bankers’ Drive, Bankers’ Village 1, Barangay 171  dakong alas-11.

Ayon sa pulisya, sinabi ni Bankers’ Village security officer-in-charge Rene Ibanez, Sr., bago matagpuan ang bangkay ay nakarinig ang mga residente mga putok ng baril at may nakitang dalawang motorsiklong may sakay na tig-dalawang lalaking nagkukumahog na makalabas ng nasabing subdibisyon.

Nakakuha ang mga pulis sa jacket ng biktima ng ilang piraso ng alahas at isang sachet ng shabu, habang apat na basyo ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan

Nananatiling blangko ang pulisya kung sino ang mga suspek, sino ang biktima at ano ang motibo sa pagpatay. Alain Ajero

 

299

Related posts

Leave a Comment