BUONG pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga magulang sa pamunuan ng Manila Police District – Station 8 makaraang pagkalooban ng Birth Certificate ang kanilang mga anak kamakailan sa Sta. Mesa, Manila.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel, Bostah Dionelle Brannon, commander ng MPD- Sta. Mesa Police Station 8, nitong nakalipas na Hulyo 4, binigyan ng Birth Certificate ang sampung kabataan na nakatira malapit sa riles ng tren.
Kasama sa programa ang iba pang tauhan ng MPD-Station 8 gayundin ang Station Advisory Group nito sa pangunguna ni Ms. Diwata Pag-ibig Silangan Gabat at Vice Chairman, naisakatuparan ang adhikain ng kapulisan bilang tugon sa programa ni dating Regional Director Police Major General Edgar Allan Okubo at ang Revitalized Pulis sa Barangay R-PSB.
Layunin ni Bostah Brannon na mapanatili ang magandang relasyon ng mga Barangay na sakop ng kanilang Area of Responsibility (AOR).
Pinuri naman ni Director Brigadier General Andre Perez Dizon ang buong kapulisan ng Sta. Mesa Police kaugnay sa nasabing programa.
(RENE CRISOSTOMO)
