PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DOJ) ng murder si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam at anim na iba pa kaugnay sa pagpatay sa vice mayor ng Batuan, Masbate noong 2019.
Nabatid na nakitaan ng “probable cause” ng DOJ para kasuhan si Cam, kanyang anak na si Marco Martin Cam, gayundin ang mga indibidwal na sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna, at Rigor dela Cruz.
Kaugnay ito sa pagkamatay ni Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson.
Matatandaan na inambush at napatay si Yuson noong October 2019 sa Sampaloc, Manila, habang sugatan ang dalawang kasama nito na sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte.
Pulitika ang sinasabing motibo sa krimen pero itinanggi ito ng kampo ni Cam.
202
