SCHEDULING SYSTEM PAIRALIN SA PANTRIES

IPINANUKALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatupad ng scheduling system ng community pantries para maayos na mapangasiwaan ito sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic.

Ani Pangulong Duterte, mas magiging madali na makontrol ang bilang ng mga tao na pumipila para kumuha ng libreng food supplies kung hihilingin sa mga ito na pumila kada sitio at purok sa halip na kada barangay.

“Sa barangay there is the purok and sitio. You can always schedule it for the purok so iilan lang ‘yan maglinya. Then after that, the sitio will be the next venue. And the third is so forth and so on,” ani Pangulong Duterte.

Ang pag-iskedyul sa bilang ng tao ang pipigil sa overcrowding.

Sa kabilang dako, dismayado naman ang pangulo sa ilang alkalde at barangay officials na nabigong tumulong na maipatupad nang maayos ang community pantry operations dahil ignorante aniya ang mga ito.

“What they do is just to show to the people that they care but they do not really care because of their ignorance,” diing pahayag ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)

138

Related posts

Leave a Comment