SCHROCK, PAGDANGANAN MAY AWARD DIN SA PSA

DALAWA pang outstanding Filipino athletes sa katauhan nina Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan ang tatanggap ng special awards mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA).

Si Schrock ay pagkakalooban ng Mr/ Football award, habang si Pagdanganan ang unang tatanggap ng Ms. Golf title sa gaganaping SMC-PSA gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ang 33-anyos na si Schrock at si Pagdanganan, 22, ay makasama nina Ms. at Mr. Basketball Jack Animam at Thirdy Ravena at Ms. at Mr. Volleyball Sisi ROndina at Bryan Bagunas at ni Coach of the Year Pat Aquino, na pararangalan ng oldest media organization sa bansa sa event na ipiprisinte ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine, kung saan ang Team Philippines, ang overall champion sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games ang tatanghaling Athlete of the Year.

Pinangunahan ni Pagdanganan ang two-gold medal haul ng Pilipinas sa SEA Games nang magwagi siya sa women’s individual event at women’s team event ka-tandem si Lois Kaye Go.

Kabilang si Pagdanganan sa 2018 recipient ng PSA Athlete of the Year kasama ang kapwa golfers na sina Go at Yuka Saso, gayundin sina Hidilyn Diaz at Margielyn Didal.

Wagi rin si Pagdanganan sa Hawkeye El Tigre Invitational sa Mexico noong nakaraang taon.

Ito naman ang ikalawang Mr. Football award ni Schrock na una niyang tinanggap noong 2013.

Ang veteran midfielder ng Ceres Negros, naging malaking bahagi ng Philippine Azkals ay tumayong captain ng U22 team sa SEA Games na kamuntik nang makaabot sa knockout stage.

Naging recipient din ang Fil-German player ng AFF Best XI Award na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Inakay din ni Schrock ang Ceres Negros sa ikatlong sunod na Football League title at pinangunahan ang team sa ASEAN Zonal semifinals ng AFC Cup.  (VT ROMANO)

135

Related posts

Leave a Comment