BAGAMA’T nag-apology na, hindi pa rin tinatantanan ng kanyang mga kritiko si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa diskriminasyong pahayag nito laban sa kay Rep. Perci Cendaña na isang stroke survivor.
“Walang lugar ang ganyang pambabastos sa political discourse na dapat naka-focus sa issues. Senator dela Rosa’s remarks are not only cruel but reflect the kind of toxic politics that the Duterte’s represent,” ani House deputy minority leader France Castro.
Nitong mga nakaraang mga araw, kinuyog ng kanyang mga kritiko si Dela Rosa matapos magbitiw ito ng salitang “Yang mukha mo, sinapak nang ‘di natin alam kaya ngiwi. Lumapit ka nga dito kasi sasapakin kita sa kabilang mukha mo para balance.”
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag sa salitang Bisaya bilang reaksyon sa pagbatikos ni Cendaña kay Vice President Sara Duterte na nagsabing mas masakit na iwanan ng isang kasintahan kesa pagpapa-impeach sa kanya ng Kongreso.
“‘TABINGI ANG MUKHA’ ko dahil ang ‘BAKLANG NGIWI’ na ito ay stroke survivor. Yakap na mahigpit sa mga kapwa ko stroke survivor,” ayon sa kongresista.
Matapos malaman na stroke survivor si Cendaña, lalong kinuyog sa social media si Dela Rosa na naging dahilan kaya nag-apology ito sa mambabatas subalit patuloy itong kinakastigo ng kanyang mga kritiko.
“Is this how desperate the Duterte camp has become? Masyado na bang nahihirapan si Senator dela Rosa na ipagtanggol ang mga Duterte kaya ganyan na lang kababaw ang istilo niya para ilihis ang isyu?” tanong pa ni Castro.
Isang statement naman ang inilabas ng isang grupo na kinabibilangan ng mga doktor kung saan sinabi ng mga ito na hindi lamang si Cendaña ang ininsulto kundi maging ang lahat ng stroke survivors.
“We call on the Senate and its members to hold Dela Rosa accountable. Our lawmakers must champion, not ridicule, the rights and dignity of all Filipinos—especially those living with disabilities,” ayon sa grupong Epilepsy Awareness Philippines.
Gayunpaman, tinanggap ni Cendaña ang apology ni Dela Rosa subalit dapat humingi din ng patawad sa mga stroke survivors na labis na nasaktan sa kanyang pahayag.
“I welcome Senator Bato’s apology. I hope he can also do the same to all stroke survivors who were hurt by his remarks. Hindi tayo balat sibuyas, pero ibang usapan when a public servant of such high position uses his voice to threaten people with violence and discriminate people with health concerns,” ayon sa kongresista. (BERNARD TAGUINOD)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)