SENATE BILL NO. 2453 NI SEN. PADILLA AT BALIK-LOOB PROGRAM NI SEN. GO

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

MAITUTURING na bagong mambabatas si Senador Robin Padilla. Ngunit hindi matatawaran ang sipag sa trabaho ng mamang ito.

Sa katunayan, kamakailan ay naghain ito ng isang panukalang batas na magbubukod sa ilang krimen, kasama ang economic sabotage, at krimen laban sa menor de edad, sa Indeterminate Sentence Law.

Sinasabing layunin nitong matiyak na hindi maabuso ang prinsipyo ng rehabilitasyon ng kriminal.

Binanggit ni Padilla na sa Senate Bill 2453, bagama’t layunin ng Indeterminate Sentence Law ang rehabilitasyon, ay may mga krimen naman na hindi maaaring isama dahil sa kalubhaan o pagiging heinous.

Siyempre, dito ay isinusulong ni Padilla na amyendahan ang Republic Act No. 4103 o ang Indeterminate Sentence Law.

Sa bill ni Padilla, kasama sa mga ibubukod sa Indeterminate Sentence Law ang mga hinatulan ng economic sabotage at crimes against minors.

Saklaw nito ang kidnapping (maliban kung ginawa ng magulang), criminal sexual conduct, solicitation to engage in sexual conduct, sexual performance, and practice of prostitution, pag-uugali na sexual offense, paggawa ng child pornography, child trafficking, at paggamit ng bata sa drug trafficking.

Samantala, hindi naman maitatanggi ang kahalagahan ng Balik-Loob Program.

Ang program ay pinamamahalaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng gobyerno.

Ayon kay Senador Bong Go, layunin nitong maibalik ang mga dating rebelde sa lipunan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng tulong at legal na proteksiyon.

“Mga iba’t ibang ahensya po ang nagtutulungan dito sa mga surrenderers at dapat tutukan nila ito, asikasuhin nila kung sakaling may mga gustong mag-avail ng Balik-Loob program,” sabi ng masipag ng senador.

Malinaw ang commitment ng gobyerno na matulungan ang mga rebeldeng gusto na isuko ang kanilang armas at magbalik na sa normal na pamumuhay sa malayang lipunan.

Suportahan po natin ang bills nina Sen. Padilla at Sen. Go.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

238

Related posts

Leave a Comment