ANG kolum na ito ay kaugnay sa mahalagang anunsyo ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) sa pangunguna po ni Commissioner Bienvenido Rubio para sa mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs).
Naglabas po ng listahan ng ABANDONED BALIKBAYAN BOXES na nasa kustodiya ng Bureau of Customs.
Kaya maaari po silang makipag-ugnayan sa warehouse o port kung saan naroon ang inyong mga kahon.
Narito po ang contact details sa ibaba:
DDCAP warehouse (0945) 264-8419, Purok 1, Brgy. Matapitap, Gerona, Tarlac; Port of Iloilo (033) 337-5830 Bureau of Customs -Port Iloilo, Muelle Loney St., Iloilo City Proper, Iloilo City; Port of Manila (02) 8633-1862 Con Pac, Warehouse in Paco, Manila; Port of Batangas (043) 727-3604 (0977) 274-3674 Bureau of Custom – Port of Batangas, Rizal Avenue, Batangas International Port, Santa Clara Pier, Batangas City; Port of Davao (082) 224-9691 Bureau of Customs -Port of Davao, Km 10, Davao-Agusan National Highway, Brgy. Sasa, Davao City; Port of Cebu (032) 250-0839 Bureau of Customs-Pulupandan, Wescoseta St., Brgy. Zone 5, Pulupandan, Negros Occidental; Port of Clark (045) 499-3189 Bureau of Customs-Port of Clark, Along Industrial Estate V, Clark Freeport Zone, Pampang, Mabalacat; Port of Aparri (078) 888-0711 Loriga Gallarza St., Punta, Aparri, Cagayan; Apogee Warehouse (0992) 373-4002 Apogee Trans Corp. Warehouse, Brgy. 105, Zone 8, Tondo, Manila.
Ayan, kung sinoman sa mga kamag-anak ng mga OFW na may balikbayan boxes na alam nila na nabinbin sa Bureau of Customs, maaari n’yong tawagan ‘yung mga inilagay nating warehouse at mga port para ma-claim n’yo na ang mga padala sa inyo.
Ramdam po natin ang hirap ng OFWs bago nilang mapuno ng laman ang isang malaki o standard balikbayan box.
Pinag-iipunan nila ‘yan sa bawat sweldo nila buwan-buwan bago nila napupuno ang isang balikbayan box.
Isa kasi tayo sa pinadadalhan ng balikbayan box ng ating hipag na nasa abroad para sa mga anak ko kaya ramdam ko ang hirap nila.
Sila ang tinaguriang mga “Bagong Bayani ng Bayan” dahil sa laki ng naitutulong nila sa ekonomiya ng bansa kaya dapat suklian natin sila ng mabuti.
Sa pamamagitan ng aking panulat sa aking kolum na ito ay nakatutulong tayo para mabigyan sila (OFWs) ng impormasyon sa kanilang mga balikbayan box.
Kaya lagi pong bukas ang ating pahina para sa mga kababayan nating OFWs para sa kanilang mga balikbayan box.
Kung may reklamo sila (OFWs) laban sa mga brokerage na may kapabayaan na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga padala sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas, ay maaari nating isulat dito.
Maraming salamat at mabuhay ang ating mga “Bagong Bayani ng Bayan” (OFWs)!
oOo
Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.
