AGA: ‘HINDI KO PINAGBABAWALAN ANG ASAWA KO!’

Aga-Charlene

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na raw muling magbalik ni Charlene Gonzalez-Muhlach sa telebisyon ayon sa asawang si Aga Muhlach. Matatandaan na huli naming nakasama si Charlene bilang co-cost sa The Buzz noong 2013. “Oo nga, sana nga eh. Nananawagan ako, sinasabi ko lang lahat sa inyo na hindi ko pinagbabawalan ang asawa ko. May feeling kasi sila na pinapatigil ko siya. Hindi, hindi ko siya pinapatigil. Talagang kusa na lang ‘yon na nangyari, sa pagkakaroon ng family and she was having fun. Nami-miss niya rin kayong lahat. I wanted to work, too. Mas mayaman kasi sa akin ‘yon eh,” nakangiting pahayag ni Aga.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga sumuporta sa pelikulang Miracle in Cell. No. 7 na siyang nanguna sa takilya ng Metro Manila Film Festival 2019. Ngayon ay mas naiintindihan na raw ng anak na babae na si Atasha ang trabaho bilang isang aktor ni Aga. “For how many months parang nawala ako sa kanila eh. Parang araw-araw nando’n ako sa buhay nila tapos biglang, ito nawala ako. Then when I invited her to the premiere and when she saw it, she just texted me that (touching message), parang okay na ako. She understands it now, more. For her to text that right now, at this point, may laman talaga ‘yon sa akin. Thank you, Tash (Atasha) and Andres, you guys are my life. You know that kahit mawala na ang lahat ng ito, okay lang sa akin,” pagbabahagi niya.

“Maraming salamat na rin na napagbigyan pa akong magtrabaho at makagawa ng pelikula. Para rin naman sa inyo lahat ‘to at sa pamilya ko rin. So ang utang na loob ko, para sa taong mga sumusuporta sa akin through the years, sa lahat ng mga hindi humusga sa akin, ‘yung mga taong hindi tumapak sa akin, kahit sa mga taong tumapak sa akin okay din lang. Wala namang problema sa akin. So I’m still here, I’m a father, I’m a friend, I’m a brother, I’m human. Maraming salamat sa inyong lahat, I’m just here,” dagdag pa ng aktor.

-Reports from JCC- (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

 

168

Related posts

Leave a Comment