DANIEL, IN-UNFOLLOW SI KATHRYN SA INSTAGRAM

MARAMI ang hindi makapaniwala sa ginawang pag-unfollow ng Kapamilya network’s “King of LOURDES C. FABIANHearts” Daniel Padilla sa girlfriend na si Kathryn Bernardo sa Instagram.

Nakatutok ang kanilang mga fans sa bawat kilos ng kanilang mga idolo kaya naman napansin agad nila na Daniel is no longer in the actress’ list of 7.5 million Instagram followers.

Siyempre pa, iba’t iba ang reaksyon ng kanilang mga tagahanga at netizens kung saan ang Teen King at Queen of Hearts ang naging sentro ng kontrobersya. Kathryn is still following Daniel’s IG account. Ang speculation ng iba baka raw Kathryn have followed Daniel back again after unblocking him on social media.

Tanong tuloy ng iba ay kung may kinalaman kaya ang napabalitang proposal ni Daniel kay Kathryn. Pero dineny na ni Kathryn ang tungkol dito.

Wala itong konek sa isyu ng pag-unfollow ng Kapamilya actor. Maging ang latest Instagram post ni Daniel na topless siya which caught fans by surprise ay iginigiit nilang baka may kinalaman sa isyu? Hindi raw kaya baka totoo ngang ito na ang sign nang pagkabuwag ng KathNiel dahil magsosolo na ang dalawa?

KathNiel are among the most bankable loveteams of the Kapamilya network. They have already worked together on series and films, many of which are big hits.

Matatag na at maraming followers ang KathNiel kaya hindi mangyayaring mabubuwag ang kanilang loveteam, that’s one thing for sure kaya chill lang kayo. Bukas-makalawa, ipa-follow na uli ni Daniel si Kath, that’s for sure kaya huwag na kayong mag-panic KathNiel fans.

oOo

NGAYONG pahinga muna sa telebisyon ang tambalang Julia Barretto at Joshua Garcia, may kanya-kanyang proyektong ginagawa ang dalawa. Masaya si Joshua dahil magkakasama na uli sila ng girlfriend ngayong pinutol na nito ang bakasyon sa Mexico dahil na-miss niya nang husto ang kanyang pamilya at siyempre pa, kasama na roon si Joshua. Na-homesick daw ang young actress.

“Not easy to feel homesick. Cutting my trip short to be with the ones I love most… it’s time to go home,” tweet niya the other day.

Inanunsiyo ni Julia sa kanyang Twitter noong Biyernes, February 8 na babalik na siya ng Pinas after touring all over South America. Nakapunta rin siya sa  Old Havana, Cuba. Ang ganda ng mga pinuntahan ni Julia base sa kanyang Instagram posts. Kasama niyang nagbakasyon ang isang kaibigan.

Julia is set to begin working on Mikhail Red’s upcoming zombie thriller Block Z which will also star Joshua Garcia, Ian Veneracion, Ina Raymundo, and others.

Matunog din ang balitang iri-remake ng ABS-CBN ang “Marina” na pinagbidahan dati ni Claudine Barretto. Ang kaso ay nagpahiwatig na si Bela Padilla na type din niyang mag-audition. Well, ang ABS-CBN ang may final say kung sino ang pipiliin nila kaya hintayin na lang natin ang kanilang announcement.  (STARBIZ / LOURDES C. FABIAN)

96

Related posts

Leave a Comment