TSIKA ng kausap naming veteran female singer na sumikat noong 80s, mabuti pa raw ang mga matinee idol ngayon na tulad nina Daniel Padilla, James Reid at Alden Richards dahil sobrang laki ng talent fee sa bawat out-of-town show na ginagawa ng tatlo.
Sa mga nasabing actors, si Daniel daw ang highest paid – to the tune of P1.2 million sa tatlong kanta. Sumusunod si James na P1 million naman sa 3 songs, at pangatlo si Alden na P800K naman sa bawat appearance.
Sabi ng source naming singer na maraming sumikat na kanta noong kapanahunan niya, kilala niya raw ang ilang promoters na ku-mukuha sa mga artistang nabanggit kaya alam niya ang bayad sa mga ito.
So, alam na natin ang dahilan kung bakit instant millionaires sina Daniel, James at Alden na maliban sa kita sa pag-aartista ay mi-lyones ang bayad sa kanila sa mga fiesta.
Aba, kung sa ‘Pinas ay ganyan na kalaki ang presyo ng tatlo, paano pa kaya sa abroad? Sigurado doble o triple pa!
Saka pare-pareho pa silang may negosyo: Sina Daniel at Alden ay nasa resto business at si James na-man ay may sariling music label na Careless Music Manila at bagong tatag na talent management, kasama ang buong pamilya ng actor including his father-manager na si Mr. Malcolm Reid.
RITZ AZUL MAY BOYFRIEND NA
Babu na sa level na NBSB (no boyfriend since birth) ang “Banana Sundae” star na si Ritz Azul.
Yes, kahit na ayaw pang bigyan ng label ni Ritz ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ng non-showbiz guy ay obyus na sila na nito. Halata raw na may something na sila noong guy kasi madalas niya itong kasama at nagde-date sila nang solo.
“Sobrang understanding niya, sobrang supportive and sobrang friends kami, sobrang special,” very showbiz na pahayag ng Ka-pamilya actress na huling napanood sa katatapos lang na “Los Bastardos” kung saan napansin ang kanyang character.
Habang nag-aantay ng bagong teleserye ay guestings muna ang haharapin ni Ritz na lalong gumaganda at sexy.
PAOLO TINALO SI ALLAN K
After nina Pauleen Luna at EJ Salamante ay sina Dabarkads Paolo Ballesteros at Allan K naman ang kumagat sa matinding chal-lenge sa “Bawal Kumurap Nakamamatay Ng Swerte!”
Ang risk sa segment na ito ay ang pagdilim ng paningin, may mga lumuha, may bagong record holder, at merong nagdasal para hindi kumurap!
Last Saturday, sa laban sa pagitan nina Paolo at Allan, ay ang huli ang agad na sumuko sa time na 34:45 at na-beat ng una ang record sa time na 1 hour, 17 minutes, 3 seconds.
Yes, kahit na sunud-sunod na ang patak ng luha ni Paolo ay hindi talaga siya kumurap o sumuko kaya siya ngayon ang new record holder sa “Eat Bulaga.”
168