Siniguro ng Army ‘SLOW AND PAINFUL’ DEATH SA NPA

TIWALA ang pamunuan ng Philippine Army na kakayanin nila ngayong taon na wakasan ang communist insurgency sa bansa.

Kasabay ito ng pagbaba ng CPP-NPA bilang isang insignificant force o magiging ordinary criminals na lamang ang mga ito.

Ayon kay Army Commanding General, Ltgen Romeo Brawner, kung pagbabasehan ang kanilang accomplishments at ang tuloy-tuloy na pagsuko ng mga dating rebelde ay kusang mamamatay ang communist terrorist group.

Sa ngayon aniya ay hindi ay mahihirapan nang makabawi sa pagkagapi ang CPP-NPA.

“NPA will suffer slow and painful death,” ani Ltgen Brawner.

Magugunitang inatasan ni pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na durugin ang CPP-NPA at communist terrorists sa bansa bago siya bumaba sa puwesto sa darating na Hunyo.

Inihayag pa ni Brawner na oras na mag-shift ang kanilang focus sa external defense ay sasabayan nila ito ng pagsusulong ng kanilang Army modernization program. Ito ay sa sandaling maging isang “insignificant force” na lamang ang CPP-NPA.

Sa datos ng Army, napakaraming guerilla front na ang kanilang nawasak sa mga area na saklaw ng Northern Luzon Command, particular ng 5th at 7th Infantry Division; maging sa nasasakupan ng 10th ID sa ilalim ng Western Mindanao Command at 4th ID na dating pinamumunuan ni Ltgen Brawner, sakop ng Eastern Mindanao Command.

Inihayag naman ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) chief LtGen. Greg T. Almerol, nakikita na nila ang pagbagsak ng CTG sa kanilang nasasakupan matapos nagsisuko ang nalalabing leadership ng tinaguriang oldest guerilla units sa bansa sa Purok San Miguel, Brgy. Kidawa, Laak, Davao de Oro.

Pahayag naman ni MGen Nolasco A Mempin, 10ID Commander, “this will have a huge impact to the CPP-NPA, noting that Guerrilla Front 3 is one of the pioneer guerrilla fronts in the entire country, this will have a domino effect in the whole area of responsibility of 10ID especially to the few remaining guerrilla fronts.” (JESSE KABEL)

247

Related posts

Leave a Comment