PINAGTULUNGAN nina Jalen Green (27 points) at Kevin Porter, Jr. (24 points), ang double-overtime win ng host Houston Rockets kontra Philadelphia 76ers, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) kasabay ng pagbabalik-aksyon ni James Harden.
Tumapos si Harden na may 21 points, pero buhat ito sa 4-for-19 sa field sa kanyang first game mula noong Nobyembre 2. Sumalang ang player ng 39 minuto.
May 14 games hindi nakalaro si Harden sanhi ng tendon strain sa kanang paa.
Sablay siya sa eight attempts sa loob ng 3-point arc, pero gaya ng lagi niyang ginagawa, 9-of-10 free throws siya.
Binuksan ng Houston ang second overtime mula sa magkasunod na 3-pointers nina Eric Gordon at Porter. Kasunod nito, iniskor ni P.J. Tucker ang kanyang first points via long two para bawasan ang lead, 123-119.
Humirit si Porter ng two free throws, bago idinikit ni Harden ang Philadelphia, 125-122 nang mag-3 point sa huling 90 seconds.
Ngunit nagdagdag si Jabari Smith, Jr., ng tres para sa Houston at i-extend sa anim ang lead.
Umiskor si Joel Embiid ng 39 points bago na-foul out sa unang overtime at si Tobias Harris ay nag-ambag ng 27 tungo sa ikatlong sunod na talo ng Sixers.
Nagwagi si Harden ng MVP award sa Rockets noong 2018 at naging three-time scoring champion din.
Bubuksan ng Sixers ang seven-game homestand sa Biyernes laban sa Los Angeles Lakers. Habang bibisita ang Rockets sa San Antonio sa Huwebes.
HORNETS NADALE
NG CLIPPERS
MAY 16 points si Kawhi Leonard kasama ang 18-foot jumper sa huling 1.4 seconds para ibigay sa Los Angeles Clippers ang 119-117 panalo kontra host Charlotte Hornets, sa kanyang pagbabalik
buhat sa right ankle sprain.
Nagbalik din si Paul George mula sa strained hamstring at umiskor ng 19 points at seven assists para sa Clippers, naputol ang two-game losing skid.
Sina Reggie Jackson at Nic Batum, tig-13 points at si John Wall nagdagdag 12 points at 12 assists off the bench.
Si Kelly Oubre ay nagtala ng 28 points at si P.J. Washington, bumawi mula sa 0-for-13 shooting night noong Sabado ng gabi ay nag-ambag ng 26 points sa Hornets.
Nagmintis si Washington sa fadeaway jumper sabay tunog ng buzzer.
Na-outscore ng Hornets (7-17) ang Clippers, 26-8, para simulan ang third quarter sa likod ng eight points mula kay Terry Rozier, para sa 80-71 lead.
Nagtabla pa sa 117-all ang iskor nang maisalba ni George ang bola para sa easy two.
Kasunod nito, mintis ang 3-pointers ni Jalen McDaniels, saka tinira ni Leonard ang go-ahead winning basket.
Susunod na kalaban ng Clippers ang Orlando Magic sa Miyerkoles. Habang Brooklyn Nets naman sa Hornets. (VT ROMANO)
