SM Group Hosts Its Biggest Job Fair of the Year at SM City Fairview

Libo-libong aplikante ang dumagsa sa SM City Fairview para sa Biggest Job Fair of the Year — isang one-stop shop para sa career opportunities at on-the-spot hiring.

Tanghalian palang halos 2,000 job seekers na ang nakapila—bitbit ang pag-asang maiuuwi ang magandang balita para sa kanilang pamilya.

Libo-libong job seekers, isang hakbang na mas malapit sa kanilang dream job

Noong August 7, pinangunahan ng SM Retail ang SM Group of Companies sa pagdadala ng mga job hopefuls at career makers sa iisang bubong sa SM City Fairview. Ito ang naging pinakamalaking SM Group-exclusive job fair ng 2025. Nagtipon-tipon dito ang mga top companies mula sa loob ng SM ecosystem—kasama ang retail, logistics, at banking—para mag-alok ng iba’t ibang job openings para sa parehong entry-level at experienced professionals. Ilan sa mga bakanteng posisyon ay Accounting Assistants, Cashiers, Merchandising Managers, Pharmacy Assistants, Sales Associates, Customer Relations Representatives, at Company Nurses.

 On-the-Spot Interviews – Sumailalim ang mga aplikante sa initial interviews sa SM Group’s Biggest Job Fair of the Year, na nagpapabilis at nagpapadali sa kanilang job search

Kilala ang SM Job Fair sa accessibility at all-in-one convenience. Hindi lang ito hiring event—isa itong career destination. Sa iisang venue, puwedeng mag-apply, magpasa ng resume, magpa-interview, at ma-hire on the spot—hindi na kailangang lumabas ng mall. Para sa marami, mas pinadali at mas ginawang abot-kamay ang job hunting, kung galing man sila sa school, bahay, o trabaho.

On-the-spot hiring – Masayang umuwi ang mga jobseekers na may job offer na sa kamay, patunay na ang SM Job Fairs ay higit pa sa events — ito’y mga gateway to livelihood.

Sa araw na iyon, mahigit 2,000 job seekers ang dumalo at 240 ang na-hire on the spot (12% HOTS rate). Para sa mga hindi agad na-match, tuloy-tuloy pa rin ang virtual interviews ng HR teams mula sa mga participating companies.

August Job Fair Schedule

  • August 14 – SM City Caloocan, SM City Tuguegarao, SM Center San Pedro
  • August 20 – SM City Cabanatuan
  • August 21 – SM City North EDSA – Skydome
  • August 22 – SM City Trece Martires
  • August 27-28 – Union Christian College Gymnasium (Opening of SM City La Union)
  • August 29 – SM City Legazpi

Sa SM Job Fair, hindi ka lang basta nag-a-apply — makakakuha ka rin ng interviews, career guidance, at access sa partner agencies, lahat sa iisang lugar. Kita-kits sa susunod!

More Job Fairs Coming Your Way This August!

August 14 – SM City Caloocan, SM City Tuguegarao, SM Center San Pedro

Sa SM City Caloocan, makikipag-partner ang SM sa Caloocan PESO at TESDA para magdala ng job openings mula sa leading brands sa retail, logistics, at finance. Sa Tuguegarao, makikipagtulungan naman sa lokal na pamahalaan at PESO bilang bahagi ng Pavvurulun Afi Festival, na nagbibigay ng trabaho habang ipinagdiriwang ang lokal na kultura. Sa south, magsasagawa rin ng job fair sa SM Center San Pedro kasama ang PESO at LGU.

August 21 – HIMAP Career Summit sa SM City North EDSA – Skydome

Targeted para sa digital at tech-driven careers, tampok dito ang top employers mula sa IT-BPM Healthcare Information Management industry. Perfect ito para sa mga gustong pumasok o mag-level up sa HIM sector.

August 27-28 – Union Christian College Gymnasium, La Union

Bilang bahagi ng opening ng SM City La Union, dalawang araw na job fair ang magbibigay ng employment opportunities para sa mga taga-Northern Luzon, lalo na sa loob ng SM Group.

Sa puso ng bawat SM Job Fair ang layunin na gawing accessible at aspirational ang employment. Sa pamamagitan ng pagho-host ng mga ganitong events sa malls—central, pamilyar, at madaling puntahan—tinitiyak ng SM Supermalls na makakalahok ang mas maraming job seekers nang walang dagdag na gastos sa pamasahe, agency fees, o komplikadong proseso ng aplikasyon.

Kaya kung naghahanap ka ng career upgrade, gustong mag-shift ng industriya, o magsimula ng unang trabaho, ang SM Job Fairs ay handang salubungin ka—conveniently, inclusively, at may tunay na opportunities na mahalaga.

About SM Supermalls Job Fairs

Sa pagdiriwang ng 40 Super Years of Evolving With Every You, nananatiling matatag ang SM Supermalls—isa sa pinakamalalaking mall developers sa Southeast Asia—bilang partner sa nation-building sa pamamagitan ng pagpapalago ng pinakamahalagang yaman nito: ang tao. Sa mga job fair na ginaganap sa 88 malls nationwide, SM ay bumubuo ng social capital sa pamamagitan ng pagtutulay ng job seekers at employers, pagbubukas ng pinto sa kabuhayan, at pagbibigay-kapangyarihan sa mga Pilipino sa pamamagitan ng inclusive partnerships para sa workforce development at pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya.

 

101

Related posts

Leave a Comment