Libo-libong mga aplikante ang nabigyan ng pag-asang magkaroon ng trabaho noong Labor Day Job Fair sa SM City Bacolod
Patuloy ang pagsulong ng SM Supermalls sa pagbibigay ng mga makabuluhang oportunidad para sa mga Filipino sa pamamagitan ng kanilang pangmalawakang Job Fair program – masigabong panimula sa unang anim na buwan ng 2025. Mahigit 300 job fairs na ang ginanap sa mga SM Supermalls sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito ay dinaluhan ng 180,000 na mga aplikante na siyang nakapagbigay ng 24,000 on-the-spot hires.
Sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno at sa pribadong sektor, ang SM Job Fairs ay siyang nagsisilbing pangunahing daan sa pagsulong ng mga oportunidad sa trabaho sa iba’t ibang industriya. Mula pa noon, ang SM ang katuwang Department of Labor and Employment (DOLE) tuwing Araw ng Manggagawa (May 1) at Araw ng Kalayaan (June 12) sa kanilang mga job fairs. Ang mga ito ay nakakapagbigay ng libo-libong trabaho sa Filipino sa lahat ng sulok ng bansa.
Ilan sa mga mapalad na Hired-on-the-Spot na aplikante kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at DOLE Sec. Bienvenido Laguesma
Napakaraming trabaho ang naghihintay sa mga aplikante dahil iba’t iba at sari-sari ang mga kumpanya na naghahanap ng bagong empleyado – retail, banking, food, BPO, manufacturing, logistics, manpower, construction, hospitality, corporate, at maging sa pag-abroad. Patunay na ang mga SM Job Fairs ay para sa lahat, at sumasabay sa patuloy na pagbabago ng merkado para sa trabaho. Kaya nga hindi sa pagbibigay lamang ng trabaho ang ginagawa ng SM ngayon.
Mga aplikante na Hired-on-the-spot sa job fair sa SM Mall of Asia.
Kamakailan ay sinimulan na ang Job Fair + Skills Hub, sa pakikipag-ugnayan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa programang ito, siyang tagapagsimula sa ating bansa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga aplikante na malaman ang mga kaalaman at kasanayan na kanila pang maaaring kunin at pag-aralan sa TESDA upang mas tumaas pa ang kanilang kahandaan at kasanayan, na siyang magiging daan para sa mas magagandang oportunidad.
“I’ve been to other job fairs, pero dito lang ako na-hire on the spot. Ang daming choices, maayos ang lugar, at may mga government booths pa! Super sulit.”— Jolina, Hired-on-the-Spot bilang Sales Associate sa isang SM Job Fair.
“Yung mga simpleng bayarin sa school, at least mababayaran ko na at hindi ko na kailangan manghingi pa sa magulang ko. At dahil sa SM Job Fair po, unti-unting natutupad ang pangarap ko.” – Pauleen, Hired-on-the-Spot bilang Cashier sa SM Hypermarket
Bilang karagdagang pagtulong sa mga tradisyonal na sektor, pinalawak pa ng SM ang kanyang saklaw sa pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon at kumpanya sa logistics and supply chain at sa pangkalusugan. Sa tulong ng Department of Health (DOH), may mga job fairs na ginanap para sa healthcare workers upang mas palakasin pa ang lakas-paggawa sa sektor ng pangkalusugan. Ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng mga Filipino.
Sa patuloy na paglaki at paglawak ng programang ito, nananatili ang SM sa kanyang dedikasyon na makapaghatid ng pagkakataon para sa pag-unlad ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng makabuluhan, napapanahon at nakapagpapabagong mga oportunidad. Hindi lamang ito para makapagbigay ng trabaho kundi makapagpabago ng buhay.
Sumama na sa programa. Magsimula ng baguhin ang buhay.
Kaya ayusin na ang iyong resume, magdala ng maraming kopya at dumating bilang ang iyong pinakamagaling na ikaw. Hinihintay ka na ng iyong hinahanap na pagkakataon. Punta na sa SM Job Fair ngayong Hulyo!
- July 11: SM City Trece Martires
- July 22: M City Daet
- July 22-23: PMAP JOB FAIR at SKYDOME, SM City North EDSA
- July 23: SM City Sta. Rosa
- July 24: SM City Caloocan
- July 25: SM City Urdaneta Central
- July 25: SM City Trece Martires
Dates and venues may change without prior notice. For full schedules and updates, follow SM Supermalls on Facebook or visit www.smsupermalls.com.
TUNGKOL SA SM SUPERMALLS
Sa pagdiriwang ng 40 Super Years of Evolving With Every You, ang SM Supermalls—isa sa pinakamalaking mall developers sa Southeast Asia—ay patuloy na katuwang ng pamahalaan sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng mga accessible na Job Fairs sa 88 malls nationwide.
Sa loob ng apat na dekada, ang SM ay hindi na lang basta shopping destination—naging platform na ito para sa pag-unlad ng kabuhayan ng bawat Pilipino. Sa tulong ng mga strategic na partnerships, naiuugnay natin ang mga job seekers sa tamang employers, natutulungan silang ma-hire on the spot, at napapalakas ang workforce development para sa isang mas inclusive at progresibong ekonomiya.
185




