Solicitation bawal sa Valenzuela PAMAMASKO NG MGA BASURERO NAPURNADA

PURNADA ngayong holiday season ang balak ng mga basurero at iba pang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na ituloy ang nakaugalian na pagbabahay-bahay para mamigay ng sobre para manghingi ng pamasko.

Ito ay makaraang magpaalala ang Human Resource Management Office ng lungsod na ipinagbabawal sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pagso-solicit o pagtanggap ng regalo mula sa sinumang indibidwal o grupong kanilang pinaglilingkuran.

Sakop ng kautusang ito ang mga nangongolekta ng basura, kaminero, at iba pang mga empleyado ng City Hall.

Ayon sa HRMO, kung sakaling may lumapit o humingi ng donasyon o solisitasyon at/o nagpapanggap na taga City Hall, kunin ang pangalan at opisina at agad ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan.

Maaaring makontak ang Valenzuela City HRMO sa telepono bilang 8352-1000 loc. 1121/1124 hinggil dito. (ALAIN AJERO)

183

Related posts

Leave a Comment