Solon positibo sa Trump tariffs PINAS MAGIGING ASEAN MANUFACTURING

MALAKI ang potensyal na maging manufacturing hub ang Pilipinas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) dahil sa mataas na taripa na isinampal ni United States (US) president Donald Trump sa mga produktong dinadala ng iba’t ibang bansa sa Amerika.

Nitong nakaraang Abril 2, 2025, inanunsyo ni Trump ang kokolektahing taripa sa mga bansa na nagbebenta ng kani-kanilang produkto sa Estados Unidos, na kung saan bukod sa Singapore at Pilipinas ay labis na tinamaan ang walong miyembro ng ASEAN.

“This places the Philippines in a uniquely advantageous position. We’re looking at a rare opportunity to position ourselves as a low-cost, reliable export hub for the US market—especially in the fields of semiconductor and electronics,” punto ni House Minority Leader Marcelino Libanan.

Bagama’t sinuspinde ni Trump ang pagpapatupad ng bagong taripa maliban sa China na tinaasan pa, malaking bentahe umano na 17 porsyento lamang ang ipinataw ng Amerika sa mga produkto ng Pilipinas na dinadala sa Amerika sa loob ng 90 araw.

Dahil dito mas may posibilidad na lumipat sa Pilipinas ang mga investor na nakabase sa Vietnam, 46 na porsyento; Cambodia 49 na porsyento; Thailand, 36 na porsyento; Malaysia, 24 na porsyento; Indonesia, 32 porsyento; Brunei, 24 na porsyento; Myanmar, 44 na porsyento; at Laos, na 48 porsyento.

Pinakamababa ang Singapore na may 10 porsyento lamang ang babayarang taripa sa kanilang mga produktong na ini-export sa Amerika subalit naniniwala si Libanan na malaki ang posibilidad na sa Pilipinas lilipat ang mga investors sa mga nabanggit na bansa ang kanilang negosyo sa Pilipinas.

“This window allows the Philippines to push for even lower rates than the initial 17 percent. Our government should maximize this opening through strategic diplomacy,” ayon sa mambabatas.

Malaki din ang posibilidad na maging ang mga manufacturers sa Taiwan ay posibleng sa Pilipinas lilipat dahil umaabot sa 32 porsyento ang taripa na ipinataw ng Amerika sa kanilang mga produkto gayundin sa South Korea na may 25 porsyento; Japan, 24 na porsyento at China, 54 porsyento lamang subalit itinaas ito ni Trump ng 125 porsyento nitong Abril 9.

“These numbers show why multinational manufacturers may seriously consider relocating operations to the Philippines. We are a compelling alternative amid this global recalibration,” ayon pa sa mambabatas.

(PRIMITIVO MAKILING)

29

Related posts

Leave a Comment