Solon sa pagpalag ng OFWs sa PhilHealth REPASUHIN ANG IRR NG UHC LAW

OFWs-12

HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na rebyuhin ang implementing rules and regulations (IRR) sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) sa ilalim ng RA No. 11223.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kailangang magsagawa ng panibagong pagsusuri ang DOH sa implementasyon ng UHC matapos pumalag ang overseas Filipino workers (OFWs) sa 3% kaltas sa sahod nila bilang pambayad sa premium contributions.

“PhilHealth and DOH should immediately reassess and amend the IRR in close consultation with OFWs,” ayon kay Hontiveros nitong Martes sa harap ng paghihirap ng OFWs sa abroad na apektado ng corona virus pandemic.

“Kailangan maging sensitibo ang pag-implement ng batas sa hinaing ng mga OFWs ngayong may COVID-19 pandemic,” dagdag pa niya.

Nitong Nobyembre 23, 2019, inilathala ng PhilHealth and Circular No. 2019-0009 na sa 2020, kasama ang OFWs sa rate ng direct contributors, na itataas sa premium rate na 2.75% ng monthly salaries hanggang 3% sa ilalim ng UHC Law. Ngunit, pumalag ang mga OFW sa panukala dahil kinapos din sila sanhi ng COVID-19.

Ayon kay Hontiveros, dapat magsagawa ang PhilHealth at DOH ng konsultasyon sa OFW na lubhang apektado ng global pandemic.

TAGUMPAY NG OFW

Tagumpay ng milyong OFWs ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PhilHealth na suspindehin ang pagpapataw ng mas mataas na monthly premium ng mga bagong bayani ngayong taon.

“This is an initial victory of OFWs and workers who strongly clamored against the hefty contribution hike,” ani Gabriela party-list Rep. Arlenes Brosas, subalit kailangan pa rin aniyang rebyuhin ang Universal Health Care Law upang tuluyan nang ibasura ang monthly premium ng OFWs.

Kung hindi iniutos ni Duterte ang suspensyon sa mas mataas na PhilHealth premium ng OFWs, tataas ng 3% ang kanilang babayaran mula sa kasalukuyang 2.75% kahit wala umanong direktang pakinabang ang mga ito dahil hindi sinasagot ng state insurance ang kanilang pagpapagamot kapag nagkasakit habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ikinatuwa naman ng ilang lider ng Kamara ang katusan ni Duterte dahil pinatunayan umano ng pangulo na nakikinig ito sa hinaing ng mga tao lalo na ng mga OFW na tatamaan sa mataas na monthly premium ng PhilHealth. ESTONG REYES, BERNARD TAGUINOD

190

Related posts

Leave a Comment