Solons sa COC filing ni Sara LANTARANG PANLOLOKO

LANTARANG panloloko kung ilarawan ng isang militanteng grupo ang anila’y tangkang pananatili ng pamilyang Duterte sa kapangyarihan makaraan ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng anak ng pangulo sa posisyon ng mayor sa lungsod ng Davao.

Sa isang pahayag, hayagang sinabi ng Anakpawis partylist group na pinamumunuan ni dating Rep. Ariel Casilao, na sa paghahain pa lamang ng kanilang COC, tila pinagloloko na umano ng mga Duterte ang sambayanang Filipino.

Ayon kay Casilao, isang malinaw na palabas ang taktika ng mga Duterte sa hangarin pahupain ang galit ng mamamayan sa kanila.

“Their filing of candidacies outright reek of defrauding the people, more so their rule if they succeed,” ani Casilao kasunod ng inilutang na tambalang Sara Duterte-Bong Go ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa kabila pa ng paghahain ng kanyang anak ng kandidatura para mayor.

Aniya, makailang ulit na rin itinanggi ni Mayor Sara ang pagtakbo para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, malayo sa inilulutang ng administrasyong kandidatura ng alkalde para Pangulo sa ilalim ng PDP-Laban Cusi wing.

“They are so worried about the public backlash against the Sara-Bong tandem that they have to do this at the last minute,” ayon pa kay Casilao kaya mistulang pinaglalaruan na naman umano ng mga ito ang sambayanang Filipino.

“Trip-trip lang?”

Paniwala naman ni Bayan Muna partylist Rep. Ferdinand Gaite sa inilulutang na Sara-Go tandem, pinagtitripan lamang ng pamilyang Duterte ang mga botante sa hangaring mapanatili ang poder hindi lamang sa Davao City kundi maging sa buong bansa.

“Pinaglololoko na lang ng pamilyang ito ang sambayanang Pilipino! ‘Yan ba ang klase ng opisyal na kailangan natin, parang nagtri-trip lang?,” tanong ng militanteng mambabatas.

Apela ni Gaite sa publiko — huwag magpadala sa drama ng mga Duterte at sa halip ay biguin ang mga ito sa kanilang ambisyon na manatili sa puwesto sa susunod na anim na taon.

“Ang sabi namin, Resign! Hindi retire!,” ang posisyon namang inilahad ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, kasabay ng giit na agad na pagbibitiw ng pangulo.

“Ang utak ng Pangulo ay magulo at papaling-paling tulad ng quarantine classifications ng IATF. Umay na kami sa pabebe playbook niya noong 2016 elections na ginagaya na ng maraming politiko ngayon,” ayon sa grupo ni Elago. (BERNARD TAGUINOD)

138

Related posts

Leave a Comment