CAREER AT TRABAHO: ANO ANG MGA PAGKAKAIBA?   

CAREER AT TRABAHO

Ang trabaho at career ay kalimitang ginagamit in the same context. Pero marami siguro ang hindi nakaaalam na magkaiba ang trabaho sa career.

Totoong ang dalawang ito ay laging naka-focus kung paano ka kikita ng pera, pero may pagkakaiba pa rin ang mga ito sa paraan kung paano mo makukuha ang goal mo.

Sa trabaho kasi ay naka-focus lang talaga ito sa pagkakaroon ng kita o ng kita. Sa career higit pa sa pera ang tinatarget dito at ito ang mga bagay na magpapalawak sa iyong experience at kaalaman dahil mas iniisip mo rito ang future mo at mabago pa ang living status mo.

Hindi natin minimenos ang trabaho sa pagkakaroon ng career. Pero silipin natin kung ano pa ang pagkakaiba nito.

 TRABAHO

Mas nakatutok lamang ito sa hangarin mong kumita ng pera. May small impact lang ito sa future resume mo dahil kadalasan related lamang ito sa iyong career o magiging career.

Sa trabaho rin ay mas less ang networking opportunities dahil ang iyong coworkers kadalasan ay hindi na rin basta gagalaw sa iisang field ninyo as you in your future career.

Karamihan sa mga trabaho ay mayroong hourly wages, mas short-term at nakasentro sa pagtatapos ng mga gawain.

Sa trabaho, pinakikita nito ang work ethic at ito ay mahalaga sa future employers. Sa trabaho narito ang chance at dito mo makukuha ang chance na magkaroon ka ng career. Ito ang stepping stone mo or narito ang kahandaan para masungkit ang career na nakalaan sa iyo lalo na kung unti-unti ay natututo ka sa management and communication.

CAREER

Sa career ito ang stage na mas naroon ang pag-buildup ng iyong skills sa iba’t ibang uri ng employment opportunities. Mas mabibigyan ka rito ng ability to move on to higher paying na posisyon.

Nagbibigay ang career ng isang foundation para sa experiences to fuel your professional life sa maraming taon.

Mas long-term ito lalo na sa learning, pagkakaroon ng experience, pag-build ng connections, at paglalagay sa iyo ng tamang posisyon for promotions and raises.

Sa career, ay mas salary based, as opposed to hourly based tulad ng sa trabaho. Mas maraming benefits sa career tulad ng paid time off at healthcare, other monthly allowance para sa transportation or gas allowance, phone load allowance, at sa ibang companies ay may travel allowance na mostly pangbakasyon mo lang.

Kung sa tingin mo ang hawak mo ngayon ay isang trabaho, mas maiging pagbutihin mo ito at huwag mong limitahan ang iyong sarili sa mga nalalaman. Matuto pang magbasa, mag-aral at i-improve ang mga nalalaman. Pasasaan ba’t may pagkakataon kang maging career ang posisyon mo sa isang kompanya. Mas maraming nalalaman, mas malaki ang kita.

Kung ikaw naman ay nasa career mo na ay paghusayan pa ito at palawakin pa ang skills at experiences para sa mas magandang future.

1176

Related posts

Leave a Comment