DUTDUTAN 19

DUTDUTAN

Pagta-tattoo, pagtatanghal ng iba’t ibang banda, at fashion show ang muling aasahan ng tattoo enthusiasts sa gaganaping Dutdutan 19: Philippine Tattoo Expo.

Ang Dutdutan ay proyekto rin ng Philippine Tattoo Artists Guild, Inc. o Philtag sa pangunguna nina Ricky Sta. Ana at Alfred Gueverra.

Ang kauna-unahang “Dutdutan Philippine Tattoo Convention” ay ginanap noong Marso 2005 sa Garahe Bar sa Ermita, Maynila. Sa paglipas ng panahon ay parami nang parami ang sumusuporta at dumadalo sa taunang okasyong ito. Maging ang foreign tattoo artists at fans ay dumadayo na rin bilang pagkilala sa husay ng mga Pinoy sa pagta-tattoo.

Sa Setyembre 20-21, iniimbitahan kayo muli ni Sta. Ana at PhilTag sa gaganaping Dutdutan 19 sa World Trade Center sa Pasay. Ang ticket ay mabibili sa halagang P600 bawat araw.

Ang ilan sa tattoo artists na dadalo rito ay ang Tribal Ink, Skinworkz Tattoo&Bodypiercing, phil. Tattoo Artists guild Inc., Avatar Tattoo, Cherrybomb Tattoo Supply, Asia Tattoo Supply, Lucky Queen, Tattoo The World, Epidemic Tattoo, Dready Culture, M.O.P. Tattoo, Pents Clemente, Mambabatok ng Kalinga, Limitado, Keninz Tattoo, Inkwell Tattoo, Inktenze Tattoo Shop, Inkin Apes Tattoo Studio, Psalm 139, Goodhand Tattoo at iba pa.

Samantala ang ilan sa mga bandang magpe-perform ay ang Kjwan, Rocksteddy, Greyhoundz, Queso, Color It Red, Imago, Philia, Gracenote, Taken by Cars, The Chongkeys, Tropical Depression, Brownman Revival, at marami pang iba. (Ann Esternon)

306

Related posts

Leave a Comment