Naging usap-usapan noon online ang litrato ng isang babae na mayroong sensitibong kondisyon.
Ayon sa post, si Jonalyne ay mayroong sensitibong kondisyon na nagdulot ng sobrang paglobo ng kaniyang dibdib. Pinaniniwalaan ni Jonalyne na ang kaniyang kondisyon ay dulot lamang ng kaniyang pagbubuntis.
Maraming netizen ang nagulat at nagbigay ng kanilang mga reaksyon ngunit isa sa mga ito ang nakapagsabing baka ito ay fibroadenoma.
ANO BA ANG FIBROADENOMA?
Ang Fibroadenoma ay non-cancerous breast tumor na binubuo ng glandular tissue at stromal (connective) tissue.
Kababaihan lamang ang karaniwang nagkakaroon nito na maaaring makita sa kahit anong edad. Ito ang kadalasang lumiliit pagtapos ng menopause.
Ang ibang fibroadenomas ay maaaring makapa pero ang iba ay matutuklasan lamang kapag ginamitan ng mammogram at ultrasound.
SANHI NG FIBROADENOMA
Hindi pa natutuklasan sa ngayon kung ano nga ba ang sanhi ng fibroadenoma. Pinaniniwalaan lang na ito ay lumalabas dahil sa pagtaas ng sensitivity sa estrogen (primary female sex hormone).
MGA URI NG FIBROADENOMA
SIMPLE FIBROADENOMA
Karamihan ng mga fibroadenoma ay may laking 1–3cm, ito ay tinatawag na Simple Fibroadenoma. Kapag tiningnan sa microscope, ang mga ito ay pare-pareho lang at hindi nito pinapalaki ang tiyansa ng pagkakaroon ng breast cancer.
COMPLEX FIBROADENOMA
Kapag ang nakita sa microscope ay iba’t ibang katangian ng cells, ito ay Complex Fibroadenoma.
Kapag nagkaroon ng Complex Fibroadenoma, nangangahulugan lamang ito na may kaunting tiyansa na ito ay maging breast cancer sa hinaharap.
GIANT OR JUVENILE FIBROADENOMA
Kadalasan, ang fibroadenoma na ito ay lumalaki nang mahigit sa 5cm. Ito ay kadalasang nakikita sa mga teenager na babae.
Nagdudulot ba ito ng breast cancer?
Ang mga babaeng may Complex Fibroadenoma ay mayroong maliit na tiyansa ng pag-develop ng breast cancer.
PAANO ITO MAGAGAMOT?
Maraming doktor ang nagrerekomendang tanggalin ang mga fibroadenoma lalo na kung ito ay nagdudulot ng mga pagbabago sa laki ng dibdib at upang makasiguro na rin na hindi cancer ang nagdudulot nito.
Kung minsan kasi, ang tumor na ito ay tumitigil nang kusa sa paglaki o pagliit nang walang ginagawang paggamot kaya’t maaari itong hayaan at patuloy na bantayan hanggang makasiguro ang mga doktor na ito ay fibroadenoma at hindi breast cancer.
Pinapayuhan ng mga doctor ang mga babaeng may fibroadenoma na patuloy na komunsulta sa espesyalista upang makasigurado na hindi ito lalaki.
Samantala, hindi pa nakukumpirma kung ang kondisyon na ito ni Jonalyne ay dulot ng fibroadenoma.
566