FOOD TRIP TAYO SA ESTERO FAST FOOD!

ESTERO-1

Isa sa mga popular na puntahan sa Binondo, Maynila ay ang Estero Fast Food.

Kung tutuusin mahigit sa 100 restaurants ang makikita sa Chinatown sa Binondo pero isa ang Estero sa laging puntahan ng marami dahil na rin sa mga lasa ng mga pagkaing hindi pahuhuli sa mga kilala ring kainan.

ESTERO-2Para sa kaalaman ng iba, ang Chinatown sa Binondo ay ang pinakamatandang Chinatown sa mundo na itinatag noong 1594 kaya naman isa rin ito sa mga dahilan kung bakit palagi itong tinatao kahit walang okasyon.

Iba’t ibang mga putahe ang pwedeng ihain dito na dinadayo ng iba’t ibang uri rin ng mga tao, mula sa mga pangkaraniwan hanggang sa mayayaman.

Ang pangalan ng kainan na ito ay nagmula sa estero dahil katabi lamang nito ang mismong estero o creek na matatagpuan sa Ongpin Street.

Simpleng-simple lamang ang lugar na ito. Sa harapan nito ay hindi n’yo aakalaing kainan dahil halos nakabalandra ang isang malaking puno. Ngunit sa pagbaba ng hagdan maeengganyo na kayong lumapit sa mismong kainan lalo’t nakikita naman ang mga sangkap na mga gagamitin sa mga iba’t ibang lutuing gugustuhin ninyong ihain sa inyong hapag.

fried spare ribsMaraming nagsasabi na hindi para sa mga maaarte dahil ito ay nasa tabi ng creek at kung may arte man sa katawan ang gustong tumikim ng mga putahe rito ay may pwesto naman sa ikalawa hanggang ikatlong palapag ng kilalang kainan na ito.

Sa ikalawa at ikatlong palapag ng fast food dito ay air conditioned ang mga kwarto, malawak din at mas convenient sa mga kumakain.

Mula sa entrada ng restaurant na ito ay naroon na ang pag-aanyaya sa lahat na welcome ang kumain dito.

Maraming mga pagpipili­ang masasarap at masusustansyang mga pagkain.

Naririto ang mga Cantonese­-themed lauriat na mga putahe hanggang sa mga homey Hokkien-style Tsinoy na mga lutuin.

Ang mga presyo ng mga pagkain ay hindi kamahalan at halos lahat ay for sharing ang mga serving kaya’t hindi na lugi lalo na sa mga tight budget.

May adventure rin sa pagkain ng mga putahe rito partikular sa kanilang frog legs na pinirito.

fried frog legsPatok na patok ang Fried Frog Legs nila dahil parehas lang din ito ng lasa ng manok at halos texture ay kahawig din, ‘yun lang ito ay palaka. Kaya lakasan ng loob ang masubukang kainin ito.

Hindi rin mawawala rito ang Yang Chow Fried Rice panalo sa smokey taste at mura lamang.

Ilan sa mga putaheNG mabenta sa Estero Fast Food:

* Frog legs – Adobo; in garlic sauce; fried; sizzling; in chili garlic sauce

* Chicken – Buttered; in chili garlic sauce; sweet and sour; fried; sizzling

clam with oyster sauce* Fish – Steamed Lapu-lapu in white sauce, sesame oil oyster sauce; fried; fillet with tofu; sweet and sour; sizzling fillet

* Pancit/noodles – canton; lomi; bihon; misua; miki

* Pork – In tausi, with sate; steak; pata tim; sizzling; stuffed tofu, lumpiang shanghai; sweet and sour

Food trip ba ang hanap ninyo? Mura, masarap at maayos ang pagkakaluto? Lakbay na sa Estero Fast Food at dito mag-enjoy ng pagkaing Tsinoy na Tsinoy. (ANN ESTERNON)

 

678

Related posts

Leave a Comment