Dahil samu’t sari ngayon ang mga sakit, mas dapat nating maging prayoridad ang paglilinis ng bahay at kapaligiran.
Sa paglilinis, siyempre mas kailangan din ngayon na i-level up ang paglilinis sa pagpuksa ng germs, bacteria na nagdadala ng iba’t ibang sakit.
Sa pagdi-disinfect, hindi rin tama na basta-basta ang cleaning agents para rito. Mas magandang maiwasan ang chlorine bleach para mas manatiling ligtas ang inyong mga pamilya.
Bilang katunayan, ang chlorine bleach ay numero uno sa listahan ng mga delikadong household cleaning chemical. Sa halip, piliin ang mga natural at botanical na counterpart nito.
Ang natural at botanical products na pang-disinfect ng bahay o maging ng opisina ay pangkaraniwan na ring mabibili sa merkado.
Ang mga produktong ito ay napatunayang may antimicrobial o antibacterial properties kaya maaasahan ito ng mga nanay sa bahay.
MGA DAPAT I-DISINFECT
– counters
– doorknobs o door handles
– mga lababo
– banyo
– iba pang mga bagay na madalas hawakan lalo na sa pagpeprepara ng mga pagkain.
Ang mga nabanggit ay mga lantad sa food-borne illness-causing pathogens o infectious diseases gaya ng sipon, lagnat o trangkaso.
BISA NG NATURAL AT BOTANICAL CLEANING AGENTS
Dahil ang mga uri nito na pathogens ay living organisms, ang iniisip natin ay gamitan ang mga ito ng poisonous agent. Pero siyempre hindi rin naman natin ilalantad ang ating mga sarili sa cleaning agents, maging ang kalusugan at kaligtasan ng ating pamilya.
Paano natin malalaman na ang isang produkto na nagsasabing nakapamumuksa ng germs at talagang pinaninindigan ito? Natural siguro na kailangan pang idaan ito sa laboratory test para sa certainty.
Habang maraming substances ang nagki-claim na mayroon silang antibacterial o antimicrobial properties, hindi naman sinasabi nito kung anong microbes ang pinupuksa nito at gaano ito kabilis pumatay.
Kaya ang punto, hindi natin kailangan ng highly toxic substances para ma-disinfect nang maayos ang hard surfaces.
-NATURAL DISINFECTANT ALTERNATIVES. Ang Accelerated Hydrogen Peroxide o agua oxinada ay may disinfectant properties.
Ang best part sa hydrogen peroxide ay nabi-break down ito into harmless water and oxygen. Ang accelerated hydrogen peroxide ay isang patented blend ng hydrogen peroxide sa surfactants and stabilizers para tumaas ang shelf life at germ-killing capacity. Ito ang kadalasang ginagamit sa medical at veterinary facilities.
BOTANICAL DISINFECTANTS. Ito ay uri ng plant-based na makakatuwang ng mga nanay sa paglilinis. May uri nito na may ingredient na thymol. Ang thymol ay mula sa oil at thyme kaya naman may disintinctive scent at flavor. Ito ay pangkaraniwang ginagamit sa bahay bilang panlinis.
Gaya ng accelerated hydrogen peroxide, ang silver dihydrogen citrate ay isang patented mix ng isang familiar agent na may ilang boosters added. In this case, ang antibacterial properties ng silver ay kilala na ngayon. Ang silver dihydrogen citrate ay humahalo sa ionic silver sa isang citric acid solution. Kadalasan itong ginagamit bilang preservative sa cosmetics kumpara sa daily cleaning agents.
5 PANGUNAHING HOUSEHOLD CLEANING CHEMICALS
Ang limang chemicals na ito ay makikita sa pang-araw-araw nating ginagamit sa paglilinis sa bahay, o mga cleaner. Bawat isang chemical nito ay konektado sa multitude of health problems.
- Chlorine bleach. Karaniwang ginagamit sa paglilinis sa inuming tubig, pag-sanitize ng swimming pools at pampaputi ng mga damit. Malakas din ang properties sa chlorine bleach bilang irritants sa mga mata, balat at respiratory.
Kapag hinalo ang chemical na ito sa iba pang panlinis gaya ng amonia ay nakapagpapalabas ito ng delikadong chlorine gas. Kapag na-expose sa chlorine gas, magiging sanhi ito ng pag-ubo, pananakit ng dibdib, kahirapan sa paghinga, pagduduwal, at iba pang sintomas.
- Amonia. Kadalasan itong ginagamit na panlinis ng salamin at iba pang hard-surface cleaners at nakaiirita rin ito sa mga mata, balat, lalamunan at baga. Upon contact, maaari itong makasunog ng balat, at makabulag ng mga mata.
- Triclosan at triclocarban. Kadalasan itong dinadagdag sa household cleaning products, tulad ng hand soap at dish soap. Ito ay antifungal at anibacterial agent ngunit konektado sa hormone imbalance at breast cancer.
- Ammonium quaternary compounds. Nakikita rin ito sa mga household cleaning product tulad disinfectant sprays at toilet cleaners at na-identify ito bilang inducer ng occupational asthma. May iba rin nito na napatunayan sa test na nakabababa ng fertility at birth defects sa mga daga.
- Nano-silver. Ito ay ginagamit sa mga tela, plastics, sabon, packaging, at iba pang materials, giving each the natural antibacterial property ng silver metal.
Ang nano-silver particles ay maaaring mag-penetrate nang malalim sa loob ng katawan at napatunayang delikado sa atay at sa utak.
178