(Ng PFI Reportorial Team)
Nasa estado tayo ngayon kung saan hindi na nagiging normal ang galaw ng mundo kaya dapat ay may adjustments tayong gawin para makabalik tayo sa dati na magaan ang buhay dahil ang takbo ng mundo noon ay ibang-iba sa ngayon.
Noong araw, hindi tayo nakararanas ng matinding pagbaha kahit pa sabihing may bagyo na. Kung ikukumpara mo sa ngayon, kaunting pag-ulan lang ay may baha na. Kapag nagkaroon man ng bagyo sa panahon ngayon ay naroon na rin ang pagguho ng mga lupa o landslides.
Samantala ang mga anyong tubig din noon ay malayo na sa imahe ngayon. Dati-rati ang mga ilog, sapa, karagatan at iba pa ay malinis, ngayon ay kasula-sulasok na ang mga ito na hindi mo alam kung anong mga klaseng dumi ang nakikita at nakukuha rito. Nalalaman natin iyan lalo sa tuwing may clean-up drive na isinusulong ng iba’t ibang sektor sa lipunan. Hindi lamang iyan ang issue sa ating pamumuhay, kapaligiran, o sa mundong ating ginagalawan.
Kaya para maibalik sa maayos na pamumuhay, i-practice natin ang green living.
Ang green living ay isang lifestyle na may iba’t ibang paraan din para magkaroon ng balanseng pamumuhay kung saan may conservation at preservation ng natural resources, habitats, biodiversity ng mundo kabilang din dito ang kultura at komunidad natin.
Ang ibig sabihin lamang nito, living green and sustainably ay ang pagkakaroon ng lifestyle na akma sa nature o kalikasan at hindi kontra rito, at hindi rin magdudulot ng long-term o irreversible damage sa anumang bahagi ng kapaligiran.
Kaya para makabalik tayo sa normal na takbo ng mundo, ito ang ilan sa mga dapat nating tandaan:
– Magtipid sa kuryente. Tipirin ang kuryenteng gagamitin sa bahay, opisina, paaralan at iba pa. Ang isang halimbawa nito ay ang pag-unplug ng charger, o appliances.
– Magtipid sa tubig. Itsek ang leaks sa plumbing system tulad ng pipes, taps, toilet cisterns.
– Bawas-bawasan ang paggamit sa langis. Kung kaya naman ang mag-commute, mag-bike o maglakad na lamang.
– Mag-share sa car rides. Kung gagamit ng sasakyan, maiging magsabay ng iba para hindi sayang sa gasolina.
– Iwasan ang pag-inom sa bottled water. Magdala na lamang ng drinking tumblers, cups.
– Iwasan ang paggamit ng plastics. Kasama rito ang bags, straws, at iba pa.
– Tangkilikin ang organic. Ang mga ito ay mga environmentally-friendly food.
– Protektahan ang mga bubuyog. Sila ay may malaking ambag para mabalanse ng kalikasan kaya iwasan ang paggamit nang basta ng pesticides.
– Mag-recycle at gumamit ng recycled materials. Isang halimbawa nito ay recycled paper at kahit pa ang recycled water.
– Bawasan ang paggamit ng papel. Maging paperless. I-request na ang bills, letter ay padaanin through email. Iwasan ding mag-print kung hindi naman kailangan.
568