JOLLY WAVES SA CALAPAN HOST SA MISS EARTH TALENT COMPETITION

MISS EARTH 2019

Ang pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro, pamahalaang lungsod ng Calapan at Jolly Waves Waterpark & Resort ang mga punong-abala sa gaganaping talent competition ng Miss Earth 2019 sa Oktubre 10.

Itinuturing na pinakamalaking okasyon ng Calapan, aabot sa 30 na mga kandidata mula sa Miss Earth’s Fire Group ang magtatanghal sa Jolly Waves para magtagisan sa talent portion ng naturang pageant.

Kilala ang Jolly Waves Waterpark & Resort na pinakamalaking recreational facility sa Calapan, Oriental Mindoro at sa buong MIMAROPA Region. Tampok dito ang world-class na amenities na matatagpuan sa Barangay Sapul, Calapan City.

Magsisimula ang activity ng alas-9:00 umaga sa pamamagitan ng motorcade ng mga kandidata sa Calapan City. Susundan ito ng pagtungo nila sa Oriental Mindoro Provincial Capitol, Calapan City Hall at sa Jolly Waves Waterpark & Resort.

Pinrodyus ng Carousel Productions Inc., ang talent competition ay bahagi ng 2019 Miss Earth pageant na magtatapos sa Oktubre 26 at gaganapin sa Jesse M. Robredo Coliseum sa Naga City.

­Si ­Ms. Nguyên Phuong Khánh ng bansang Vietnam, ang reigning Miss Earth 2018, ang magpapasa ng kanyang titulo sa pagtatapos ng event.

Ang talent competition ay magsisimula ng alas-4:00 ng hapon sa wavepool area.

Aasahan din ang ‘meet and greet’ sa mga kandidata sa Jolly Waves mula alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng gabi, habang ang evening pool party ay idaraos ng alas-9:00.

Nagkakahalaga ng P499 ang entrance ticket sa nasabing event na may open seating mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hating-gabi. Available rin ang private accommodations.

Kaugnay pa ng talent competition, ngayong Oktubre 6 at 7 ay magkakaroon din ang Miss Earth delegates ng ecotour sa Misamis Oriental, isa sa most scenic provinces sa MIMAROPA Region.

Para sa detalye, tumawag kay Hilda Arago, Jolly Waves Sales Associate sa 0928 5595527 o mag-email sa sales@jollywaves.ph.

Sa kabuuan, 80 naggagandahang kandidata ang maglalaban-laban sa taong ito upang ipakilala ang environmental awareness at iba’t ibang tourist destinations.

158

Related posts

Leave a Comment