PANDESAL: TINAPAY NG MGA PINOY

PANDESAL-3

Pinakapopular na tinapay sa mga Pinoy ang pandesal.

Hindi kumpleto ang hapag-kainan kung sa pagputok ng araw ay walang bagong lutong pandesal na nakahain dito.

Pan de sal ang tunay na pagkakasulat nito. Hango sa salitang Kastila na “pan” para sa tinapay, “de” para sa ng at “sal” para naman sa asin. Kung babasahin, ito ay “bread of salt” ngunit sa mas maayos na pagkakasalin ito ay salt bread. Bread rolls din ito kung tawagin sa iba.

PABORITONG AGAHAN

Ang pandesal ay ang paboritong almusal sa kultura nating mga Filipino.

PANDESAL-4Noong araw ang mga tao ay mas kuntento at kumpleto na ang umaga sa agahang may bagong gawang pandesal na may palamang kesong puti o mantikilya at kaparehang mainit na kape. Samantala ang iba rin naman ay kasya na at kung tutuusin ay sakto na talaga sa pandesal lamang na walang palaman pero diretsong isinasawsaw sa mainit na kape, habang sa iba naman ay mainit na tsokolate.

Ang pagkaing ito ay hindi kinikilalang status symbol dahil kahit hindi mayayaman o ordinaryo mamamayan lamang ay hinahain ito sa kanilang hapag at pinagsasaluhan ng buong pamilya.

Sa bawat panaderia ay hindi mawawala ang uri ng tinapay na ito. Mayroon din sa kanilang kahit anong oras ay maaari itong mabili habang mainit pa at pwede rin namang ipainit pa. Kaya naman, naging paborito rin itong meryenda ng marami sa atin.

Inilalako rin ang pandesal sa mga bahay-bahay na kadalasan sa umaga bago mag alas-7:00 kung saan karaniwan nang may makikita tayong mga lalaking nakabisikleta na tinatawag din ng iba na “potpot vendor”. May hawak silang bagay na napapatunog bilang pantawag na rin sa kanilang mga suki para mabili ang kanilang mainit na mga pandesal.

Samantala sa panahon ngayon ay hindi lamang sa bakeries mabibili ang pandesal o sa mga potpot vendor, dahil kahit sa grocery stores ay makikita itong nakabalot sa plastic o mga naka-pack na.

PANDESAL-2PANDESAL RECIPE

INGREDIENTS

* 2 1/4 teaspoon active dry yeast

* 1 1/4 cup whole milk, warmed to 100-105 degrees F

* 3 cups all-purpose flour

* 1 1/2 cups bread flour

* 1 1/2 teaspoon fine sea salt

* 3 Tablespoons unsalted butter, room temperature

* 1/3 cup granulated sugar

* 2 large eggs, lightly whisked

* breadcrumbs, as needed

PROCEDURE

  1. I-dissolve ang yeast sa maligamgam na gatas. Magdagdag ng 2 kutsaritang asukal. Haluin nang PANDESAL-5maigi. Hayaan lamang ito sa loob ng 5-10 minuto o hanggang sa ang yeast ay ma-activate at kapag ang mixture ay naging foamy na.
  2. Sa isang malaking bowl, haluin nang sabay-sabay ang all-purpose flour, bread flour, at ang asin saka itabi. Tandaan na mas masarap na paghaluin ang all-purpose flour at bread flour sa pag-bake ng pandesal para ito ay mas sumarap pa habang nginunguya.
  3. Ibuhos ang yeast mixture sa bowl na may nakahandang stand mixer na kasya sa isang hook attachment. Idagdag ang natitirang asukal, mantikilya, at ang medyo nabating mga itlog.
  4. Habang umaandar ang mixer sa low speed, idagdag ang flour mixture sa three additions. Kapag naidagdag na ang lahat ng flour, palakasin pa ang mixer sa speed na medium. Patuloy na imasa ang dough hanggang sa mapagsama o mapaghalo ito nang maayos at makabuo ng smooth ball.
  5. Tanggalin ito sa mixing bowl at ilipat sa isang lightly oiled bowl. Takpan ito gamit ang plastic wrap at hayaang umalsa ang dough at room temperature sa loob ng isang oras. I-punch ang dough at hatiin ito sa 24 equal parts.
  6. I-roll ang dough na hugis bilog at i-dip ang ibabaw na bahagi ng tinapay sa breadcrumbs. Ilagay ang rolls at dapat ang bahaging may breadcrumbs ay nasa ibabaw at nakapwesto sa isang parchment lined 18×13-inch baking sheet. Takpan ang dough gamit ang plastic wrap upang hindi ito matuyo. Hayaan lamang na umalsa ang bread rolls sa loob ng 15-20 minuto.
  7. I-preheat ang oven sa 350 degrees F. Tanggalin ang plastic wrap at i-bake ito sa loob ng 20-25 minuto hanggang sa maging golden brown ito at malanghap ang mabangong amoy.
  8. Ihain agad at pagsaluhan ng buong pamilya.
675

Related posts

Leave a Comment