STRANGE FACTS AND TRIVIA SA FASHION INDUSTRY

FASHION INDUSTRY

1. Ever since ang mga lalaki ay nagsusuot ng shorts. Samantala, ang mga babae ay nahuli at pinayagan lamang na suotin ito in public matapos ang World War 2. Isa sa mga naging rason ay dahil noong panahon ay kaunti lamang ang napo-produce na tela, kaya naman ang shorts ay mas naging cost-effective kumpara sa pants or skirts.

2. Ang tee shirt ay isa sa mga pinakapopular na clothing items sa buong mundo. Umaabot din sa halos dalawang bilyon ang nabebenta nito sa buong mundo kada taon.

19th century nang una itong madiskubre kung saan ang mga laborer noon ay pinutol ang kanilang jumpsuits sa kalahati para maging comfortable o cool during warmer months.

Ang kauna-unahang nagawang t-shirt ay noong Mexican-American War noong 1898, at 1913 nang ang US Navy ay nag-isyu na sa kanilang ma­ging standard undershirts ito.

3. Marami sa atin ang mahilig sa kulay na purple, at karamihan ay mga babae ang may gusto nito. Pero historically, purple clothes were only worn by magistrates, emperors at iba pang aristocracy sa Rome, Italy.

Loincloth4. Ang loincloth ay isang pinakalumang item of clothing, at ang second oldest ay ang skirt, na hanggang sa ngayon ay popular pa ring suotin.

5. Sa record, ang pinakamahabang wedding dress ay sinuot ng isang bride at ito ay may 1.85 mile long train.

6. Taun-taon, napaka­raming fashion magazines ang nabibili but the first ever fashion magazine ay naibenta sa Germany noong 1586.

7. Noon pa man ay ginagamit na ang bra pero hindi basta para sa fashion lang. Bras have been through different styles sa loob ng maraming taon, ngayon ito ay mabibili na rin na pwede ring gamitin as a gas mask.

heels8. High heels are nothing new to the world. Pero noong 18th century, fashionable na talaga ito kahit pa sa mga bata.

9. Ang unang project ni Michael Kors ay ang wedding dress ng kanyang pinakamamahal na ina. Siya ay nasa limang taong gulang lamang noon.

10. Ang “little black dress” ay ikinumpara noon sa Ford car, when it first came along in 1926, since it was practical and simple.

11. Noong araw, hangga’t maaari ay sinusubukan ng maraming mga kompanya na maging ethical and environmentally-friendly, but Stella McCartney bags went a step further at ito ay nilikha mula sa mais.

12. Up until the beginning of the 19th century, hindi ginagamit ang mga model noon para ipakilala ang mga iba’t ibang damit. Ang ginagamit lamang ng fashion companies ay mga doll o manyika.

13. Si Harry Winston ay na­ging designer ng most expensive shoes sa buong mundo. Ang red ruby slippers na kanyang idinisenyo ay nagkakahalagang $3 million.

14. Noong Middle Ages, ang mga sinusuot ng mga mahihirap na tao ay mittens, habang ang mga mayayaman ay nagsusuot ng gloves para ipakita ang kanilang mga kayamanan.

LACOSTE15. Ang pamosong Lacoste crocodile symbol ay nilikha noong 1933, at ito rin ang first designer logo sa fashion record ever.

16. Ang Gucci ay nag-manufacture ng isang pair ng jeans na tinawag na Gucci Genius Jeans. They sold for a staggering $3,134.

17. Ang tunay na pangalan ni Ralph Lauren ay Ralph Lifshitz.

18. Ang products ng Doc Martens ay may iba’t ibang style, kulay, designs, at sizes, ngunit ang unang pares na nagawa ay mula sa lumang gulong.

19. Noong 1950s, ang average American household ay gumagasta ng 11.5% ng kanilang income para sa mga damit. Nowadays, Americans use around 3.5% of their income for clothes.

20. Ang alam natin, pag sinabing vintage ay luma talaga. Technically, items are only “vintage” if they were made more than sixty but less than a hundred years ago.

chanel no521. Ang Chanel No. 5 ay hudyat ng simula ng modern perfume noong 1921.

22. Ang estilo ng ating buhok ay may iba’t ibang pakahulugan. If a woman had short hair a hundred years ago, iniisip ng mga tao na siya ay unfaithful sa kanyang husband.

23. Kung ikaw ay na­ngongolekta ng mga tie, ang tawag sa iyo ay grabatologists.

24. Pwede nating sabihing may power tripping sa fashion. Elizabeth I was a big fan of hats, at bilang resulta, ang mga babaeng hindi nagsusuot o gumagamit nito tuwing Sundays at public holidays ay papatawan ng malaking multa noong kanyang kapanahunan.

281

Related posts

Leave a Comment