TIPS SA PAMIMILI

PAMIMILI-3

Sa mga ilaw ng tahanan, kailangan nilang maging maingat sa paggastos ng pera. Dapat alam natin kung paano at saan lamang gagastusin ang perang pinaghirapan.

Ito ang ilang tips para ma-budget nang maigi ang pondo ng pamilya. Ituro ito sa bawat miyembro ng pamilya upang maging tradisyon ninyo ito sa pagtitipid at maging maalam sa pamimili.

– Malaking bagay na bumili ng frozen items kabilang ang frozen veggies.

– Sa mga bibilihing mga kamatis, kalamansi, mangga, oranges at iba pa, siguraduhing may variants nito na hinog at manibalang o medyo hilaw pa. Ang mga hinog ay ang mga dapat maunang gamitin o unang nakaplanong kakainin o isasama sa lutuin.

– Iwasang bumili ng items na naka-vacuum seal o naka-cling wrap dahil karaniwang hindi na fresh ang mga ito o hindi kaya ay may mga damage na kaya naman madalas na mapapansing mas mababa ang presyo nito. Pero dahil mura, marami rin naman ang nabili, siguraduhin lamang na makokonsumo agad ito kung bibilihin.

– Kailangang maging maingat din sa discounted items dahil karaniwang malapit na itong masira o ma-expire lalo na sa mga pagkain man ng tao o ng mga pet. Maaari rin itong may damage na o kulang na sa piraso, dami o timbang.

– Para masigurong fresh ang bibilihing tinapay mula sa grocery stores o supermarkets, kunin ang mga ito mula sa pinakahulihan o likurang bahagi ng shelf. Mapapansin na ang expiration date ng mga ito ay mas matagal dahil mas fresh ang mga ito kumpara sa mga tinapay na nasa harapan o unahan ng shelf.

– Piliin din ang generic brands or items. Mapapansin na maganda rin ang kalidad nito ngunit mura kumpara sa mga branded at mahal na items. Mura ang mga generic brands na pagkain dahil hindi naman sila nag-focus sa brand awareness, advertising o marketing campaigns.

– Dapat ay may alam kayo sa dates na nakalagay sa items na inyong mga bibilihin tulad ng best by, sell by, at use by dates. Alamin ang mga sumusunod:

EXPIRY DATE SA MGA PRODUKTO

Best By – ito ay mga recommendations lamang at walang kinalaman sa safety: dahil sinasabi nito na ang lasa o texture ng item ay maaaring mag-iba ngunit ligtas pa ring kainin.

Sell By – ang dates na narito ay kung hanggang kailan gustong idi-display ng tindahan ang items. Hindi ito safety indicator, dahil pupuwede pa o okay pa kahit makalipas ng ilang araw (o ilang linggo) matapos na mabili ito.

Use By – ito lamang ang safety designation at nagsasabing ang products ay hindi na safe matapos ang date na nakalista.

– Maging matalino sa pagbili ng items na nasa sachet o nasa malaking lagayan o maramihan. Madalas ang inaakalang pagtitipid sa mga sachet ay mas okay kumpara kung bibilihin ito na nasa container o maramihang laman. Isipin na sa items na nasa sachet, ang binabayaran din dito ay ang lagayan nito ngunit mas kaunti lang ang laman.

– Iwasan din ang mga pagkain de-lata na discounted na. Karaniwang malapit na itong ma-expire o may mga yupi na. tandaan na ang canned goods na may dents na ay hindi na rin safe na kainin. Kapag may dents na ang lata ay may leak na ito at ang chemicals na nasa lata ay nahahalo sa pagkaing narito.

– Sa mga lulutuing pagkain, unahin ang mga madaling masirang items na binili. Magluto rin ng maramihan at magtabi na nito sa refrigerator o freezer para sa susunod na meal o araw.

– Ikonsidera rin ang freebies na ipinamimigay sa grocery stores o supermarkets. Huwag ding palampasin ang mga free taste para magkaroon kayo ng idea kung masarap ang items na ito at may option sa tamang pagbili.

– Iwasang bumili ng junk foods o mga pagkaing walang nutrisyon at napakataas sa dami ng asin. Malaki kasi ang tsansa na magkasakit lamang mula rito at dagdag gastusin kung maospital pa.

– Maging masuri rin sa counter at alamin kung tama ang item na nai-scan para maiwasan ang mis-priced items o ano pa man.

297

Related posts

Leave a Comment