Isa sa mga lugar na dapat puntahan ng isang tunay na manlalakbay ay ang lugar na hindi pa talaga nadadayo ng maraming tao o ang unspoiled places.
Sa unspoiled places, mararamdaman ninyo na tila kayo mismo ang nakadiskubre ng lugar o kaya naman kayo ang isa sa mga naunang nakaranas ng mga bagay-bagay rito. Ito ang bagay na talagang hindi ninyo mapagsisisihan kung bakit ninyo ito sinadya.
Ito ang dalawa lamang sa mga lugar na masarap puntahan sa ‘Pinas:
KALANGGAMAN ISLAND
Matatagpuan ito sa Palompon, Leyte.
Napakaganda ng isla na ito dahil sa kalidad ng buhangin at kulay nito. Sinasabi ring ang isla na ito ay maihahalintulad sa ganda ng British Virgin Islands.
Hango ang pangalang “kalanggaman” mula sa salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay ibon. Ang isla kasi na ito ay kahawig sa ibong nasa himpapawid kung pagmamasdan mula sa itaas.
Nakatutuwang pansamantalang mamalagi rito dahil sa ito ay sandbar na napalilibutan ng asul na kulay ng tubig-dagat. Masarap ang magbabad sa tubig habang ginagawa ang snorkeling at pag-scuba.
Wala pang private resorts sa lugar kaya pinapayagan ang mag-overnight camping dito.
Mula sa bayan ng Palampon, bibiyahe pa ng isang oras sakay ng pump boat bago marating ang langit sa ganda ng isla na ito.
Isa ang lugar na ito sa tunay na maipagmamalaki ng Camalig, Albay.
Napakaberde ng lugar dahil sa sorbrang malalagong mga puno ng niyog, mga halaman at mga damong naririto. Ito rin ang dahilan kung kaya’t masayang akyatin at libutin ang lugar lalo na kung kayo ay likas na hikers.
Kahawig ito ng Chocolate Hills sa Bohol ngunit ang Quitinday Green Hills ay mas matingkad ang pagkaberde ng kapaligiran.
Ang ikinaangat pa ng lugar na ito ay ang napakagandang background na Mount Mayon.
416