1 PANALO PA SA WARRIORS

NAITAWID ng Golden State Warriors ang pahirapang 101-98 win kontra Memphis ­Grizzlies, Lunes ng gabi sa Chase Center sa San Francisco para hablutin ang 3-1 lead sa Western Conference semifinals series.

Parehong may ‘terrible shooting’ ang dalawang koponan at sa bandang dulo na lang nagkatalo, kung saan naitala ng Warriors ang una nitong lead sa huling 45.7 segundo.

Si Dillon Brooks, nagbalik buhat sa one-game suspension, ay 5-of-19 (field) at 2-of-9 (3-point range) at may total 12 points lang. At Kahit panay sablay, tuloy ang bato niya sa masasabing pinakapangit na shooting performance.

Sa panig ng Golden State, 0-for-15 mula sa 3-point range, hanggang makaisa si Otto Porter Jr., 3:24 bago ang halftime.

Mayroon lamang 10% sa distance ang Warriors sa first half, at natapos sa 24.3% sa pagtunog ng buzzer.

Nanguna pa rin si Steph Curry sa Warriors, 32 points at eight assists. May 40% din ang ­Warriors sa field shooting.

Wala si head coach Steve Kerr sa bench ng Golden State. Dalawang oras bago ang tip-off, ipinasok si Kerr sa health and safety protocols. Si Mike Brown, bagong head coach ng Sacramento Kings, ang humalili kay Kerr.

“I felt like we got traded to the Kings overnight,” pagbibiro ni Curry sa TNT postgame interview.

Hindi rin nakalaro si Ja Morant sanhi ng right knee soreness matapos matapilok sa Game 3. Nagpa-MRI ang player pero hindi inilahad ang resulta.

Sa pagkawala ni Morant, si Jaren Jackson Jr. ang nanguna sa Grizzlies, 21 points, five rebounds, five blocks at two steals. May 41.7% field shooting ang Memphis at 25.7% sa distance.

Sa Miyerkoles (Huwebes sa Manila) ang Game 5 sa Memphis.

CELTICS, BUCKS
TABLA SA 2-2

HINDI sumuko si Al Horford at inakay ang Boston ­Celtics para itabla ang Eastern Conference semifinals sa 2-2.

Iniskor ni Horford, mag­diriwang ng ika-36 kaarawan sa Hunyo 3, ang kanyang playoff career-high 30 points sa fourth quarter upang ma-overcome ang monster night ni two-time MVP Giannis Antetokounmpo tungo sa paggapi sa Milwaukee Bucks, 116-108, sa Fiserv Forum sa Milwaukee.

Balik sa TD Garden sa Boston ang Game 5, Huwebes ng umaga (sa Manila).

Naipasok lahat ni Horford ang anim niyang field-goal attempts sa final canto sa tulong nina Jayson Tatum nagsumite ng 30 points, at Marcus Smart 18 points.

Naglista naman si Antetokounmpo ng 34 points, 18 rebounds at five assists para sa Bucks. (VT ROMANO)

117

Related posts

Leave a Comment