LABING-ISANG PBA players ang kasama sa 13 amateur standouts sa Gilas Pilipinas pool para sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.
Ang 11 ay sina NLEX’s Kiefer Ravena, Barangay Ginebra San Miguel’s Japeth Aguilar, TNT KaTropa’s Roger Pogoy, Troy Rosario and Ray Parks Jr., NorthPort’s Christian Standhardinger at Columbian’s CJ Perez.
Kasali rin sa pool sina Phoenix Pulse’s Matthew Wright, NLEX’s Poy Erram, Blackwater’s Mac Belo at Magnolia’s Marc Pingris, na huling nakasama sa Gilas noong 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament.
Kasama naman sa Gilas Cadets sina Isaac Go, magkapatid na Mike at Matt Nieto, Allyn Bulanadi at Rey Suerte, na pawang na-draft ng limang PBA teams sa special rookie draft noong Disyembre.
Kabilang din sa naturang grupo sina Thirdy Ravena, Jaydee Tungcab, magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano, Kobe Paras, Dave Ildefonso, Dwight Ramos at Justine Baltazar.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang mga nabanggit ang napagkasunduang bumuo sa Gilas pool sa ginanap nilang monthly board meeting.
Nilinaw rin ni Marcial na hindi nabanggit ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung sino ang magiging coach ng natioanl team sa Asia Cup qualifiers, bagama’t lumabas sa Fiba website na si TNT active consultant Mark Dickel, kasama sina Gilas Youth team at TNT assistant Sandy Arespacochaga at Serbian mentor Nenad Trunic ang hahawak sa Gilas.
Target ng Gilas ang top-two finish sa three-window qualifiers upang makaabante sa Asia Cup.
Ang Pilipinas ay kabilang sa Group A, kasama ng South Korea, Thailand at Indonesia.
Makakalaban ng Gilas ang Thailand sa Pebrero 20 at Indonesia sa Peb. 23 para sa first window.
Sa second window ay makakaharap ng national team ang South Korea sa Nobyembre 27 at Thailand sa Nob. 30.
Habang sa last window ay mapapasabak ang Pilipinas kontra Indonesia sa Peb. 18, 2021 at South Korea sa Peb. 21.
122