3 PLAYERS TALSIK SA PISTONS-MAGIC GAME

TALSIK sa laro sina Killian Hayes, Moe Wagner at Hamidou Diallo nang magkagulo sa ­second quarter ng laro sa pagitan ng Detroit Pistons at Orlando Magic, Huwebes (Manila time) sa Little Caesars Arena sa Michigan.

Wagi ang Pistons, 121-101.

Nangyari ang gulo bago mag-halftime at lamang ng 19 puntos ang Pistons. Hinabol ni Wagner ang loose ball sa backcourt nang makihabol din si Hayes, at para hindi makuha ang bola binalya ni Wagner at bumagsak sa Pistons’ bench.

Mabilis na sumugod si Diallo at itinulak si Wagner mula sa likuran, nakatayo si Hayes at sinugod si Wagner sabay suntok sa batok nito. Bagsak ang Magic player sa bench.

Ang ginawa ng Pistons assistants, kinoberan si Wagner upang hindi na masaktan at lumaki pa ang gulo. Ilang minuto ring natigil ang laro.

Nakatayo si Wagner mula sa Pistons’ bench at naglakad palabas ng court. Makalipas ang masusing review, ejected ang tatlong ­players at si Wagner ay pinatawan ng ­flagrant-2 foul (automatic ejection), habang technical foul sa dalawang Pistons players.

Muling rerebyuhin ng NBA ang insidente at inaasahang magbababa ng parusa sa mga involved na manlalaro.

Ilang Magic players at assistants din ang umalis sa bench at nasangkot sa insidente, habang si head coach Jamahl Mosley ay napigilan at sinabing nais lamang niyang puntahan si Wagner.

Hindi naman nagustuhan ni Pistons head coach Dwane Casey ang pagsugod ng Magic sa kanilang bench.

“My thing is, there were words being said, things being said by their players and coaches that were not deescalating the situation… For them not to have anyone ejected [other than Moe Wagner], I have to go back and have an explanation … That’s how bad things start. It could’ve been worse,” aniya.

Bago na-eject, may seven points at four rebounds si Wagner sa Magic. Si Hayes may five points at three assists at si Diallo, 11 points at five rebounds (off the bench).

Nanguna sa Detroit si Alec Burks, 32 points off the bench (6-of-7 behind the arc). Nagdagdag si Saddiq Bey ng 28 points at eight rebounds off the bench din.

Habang top scorer sa Orlando si Franz Wagner, 19 puntos, kasunod si Wendell Carter, Jr., 16 points at eight rebounds (off the bench).

Tinapos din ng Pistons ang six-game losing skid nito. (VT ROMANO)

63

Related posts

Leave a Comment