3-TAON MALAS NAGWAKAS

Ni ANN ENCARNACION

MATAPOS ang tatlong taon, nakatikim na rin ng panalo ang University of the East (UE) sa UAAP Game, Miyerkoles sa PhilSports Arena, Pasig City.

Wagi ang UE kontra Far Eastern University (FEU), 76-66, sa second game ng Red Warriors sa UAAP Season 85.

Ito ang unang panalo ng ­Warriors simula noong Oktubre 30, 2019 nang daigin nila ang National University, 79-77, sa pagtatapos ng Season 82.

Nagtala ng career-high 25 points si Kyle Paranada upang tuldukan ang 15-game losing streak ng Warriors.

Bago ito, nabigo ang UE sa kanilang game opener kontra ­National University, 77-70.

Samantala, ang talo sa ­Warriors ang ikalawang sunod ng Tamaraws ngayong season.

Hindi rin nakaporma ang FEU sa unang game laban sa ­Ateneo de Manila University noong ­Linggo sa Mall of Asia Arena.

10

Related posts

Leave a Comment