31st Southeast Asian Games PILIPINAS NANATILING 3rd PLACE

NANATILI sa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa pagpapatuloy ng 31st South­east Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Inahon ni Chloe Isleta sa pagkalunod ang swimming team nang maka-gold sa 200-meter backstroke, Lunes sa My Dinh Water Sports Palace.

Nauna rito, naka-silver ang kanyang teammate na si Jessica Joy Geriane sa women’s 50m backstroke, habang bronze si Miranda Cristina Renner sa women’s 100m freestyle.

Huling namayagpag sa swimming ang mga Pinoy noong pagreynahan ni Akiko Thomson ang 100m at 200m backstroke noong 1993 edition ng biennial meet.

Muli naman naibalik sa ‘golden years’ ang bowling nang maka-ginto si Edwin Tan nitong Lunes.

Pinagulong ng first gold medalist-bowler ang 1,292 puntos para iwanan sina Larp-Apharat Yannaphon ng Thailand (1,286) at Indonesian Ryan Leonard Lalisang (1,221).

Huling nag-gold sa sport ang Pinoy na si Frederick Ong, 11 taon na ang nakali­lipas (2011).

Sa kasalukuyan (Miyer­koles), ang Pilipinas ay may total 108 medals – 30 golds, 34 silvers, 44 bronzes.

Related posts

Leave a Comment