31st Southeast Asian Games UNANG PAGSISID NI ARIANA DRAKE

SASABAK sa unang pagkakataon sa Southeast Asian Games ang Fili­pino-American diver na si ­Ariana Drake.

Gaya nang ibang atletang Pinoy na magpaparti­sipa sa 31st edition ng biennial meet sa Vietnam sa Mayo, gold medal ang target ng 18-anyos na diver mula sa Notre Dame ­Academy Girls High School sa Los Angeles, California.

Ngayon pa lang ay ­excited na si Drake na ­i-represent ang Pilipinas sa SEA Games, lalo pa na ­mauuna ang event niya na gaganapin sa Mayo 8 o bago ang SEAG ­opening ceremony sa Hanoi sa Mayo 12.

Miyembro ng Los Angeles Dive Club ang naturang Fil-Am, na nabigyan ng athletic scholarship sa US Naval Academy.

Maliban kay Drake, ilan pa sa 16-member national aquatic team sa Vietnam sina Olympian Jasmine Alkhaldi at Luke Gebbie.

Ang women’s ­diving event ay matatapos sa Mayo 11, habang ang iba pang swimming ­competition ay ­gaganapin sa Mayo 14 hanggang 19.

Opisyal na magta­tapos ang biennial meet sa Mayo 23.

Halos 17 taon na ang nakalipas nang nagwagi ng gold medal ang Pilipinas sa diving, nang nakopo ni retired at Philippine Coast Guard member Sheila Mae Perez ang isang ginto at pilak sa kada dalawang taong regional Games. (ANN ENCARNACION)

175

Related posts

Leave a Comment